John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'

John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'

- Kinaaliwan ang reaksiyon ni John Bermundo sa mga komento sa kanyang TikTok video kung saan marami ang nakapansin sa pagkakahawig niya kay Camille Prats

- Hindi maipagkailan na natuwa siya sa komentong ito ng mga netizens

- Nagpasalamat siya sa isang TikTok user na gumawa ng video kung saan nakalagay ang kanyang picture dahil mas dumami daw ang engagement ng kanyang videos

- Aminado naman siyang nakatanggap siya ng mga positibong komento at suporta ngunit meron ding bumatikos sa kanya ngunit aniya ay deadma siya sa mga bashing

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ni John Bermundo, dating miyembro ng boy group na Gimme 5, matapos siyang tawagin na ‘Camille Prats’ sa kanyang TikTok video. Marami ang napansin ang pagkakahawig ng kanyang itsura kay Camille, kaya’t agad na naging usap-usapan ang video ni John, lalo na ang kanyang nakatutuwang pagtugon sa komento ng netizens.

Read also

Paulo Avelino, suportado ang grupo ni Kim Chiu Magpasikat

John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'
John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'
Source: TikTok

Hindi maitago ni John ang kanyang tuwa sa pagkukumpara sa kanya at ni Camille Prats. Sa isa niyang TikTok post, nagpapasalamat siya sa isang user na nag-edit ng video kung saan nakalagay ang kanyang larawan at ikinumpara kay Camille. Aniya ay na-boost ang kanyang social media account dahil dito.

Inamin din ni John na nakatanggap siya ng maraming positibong komento mula sa mga netizens. Gayunpaman, hindi rin nawala ang ilang bashers na bumatikos sa kanya. Ngunit ani ni John, wala siyang balak na magpaapekto sa mga negatibong reaksyon, at aniya ay "deadma" na lang siya sa mga bashing.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa kanyang nakakaaliw na tugon sa mga komento ng netizens, patuloy na nadaragdagan ang kanyang mga tagasuporta at sumusubaybay sa kanyang mga TikTok videos.

Samantala, sa isa pang video, sinabi ni John na na-offend siya sa komentong hindi niya passion ang pag-aartista kaya nag-call center na lang siya. Inamin niyang hindi niya talaga masyadong na-enjoy ang pag-aartista kagaya ng ibang mga nasa showbiz.

Read also

Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak

Si John Bermundo ay unang sumikat sa showbiz nang masama sa grupong Gimme 5 na kinabibilangan nina Grae Fernandez, Nash Aguas, Miles Borabon, at Joaquin Lucas Reyes. Siya ay itinampok sa mga print ad, patalastas, mga pelikula, at ayon sa kanya ay gumanap din siya sa theater plays.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate