Pinoy Frankenstein Raul Dillo, emosyonal na nagpasalamat sa It's Showtime

Pinoy Frankenstein Raul Dillo, emosyonal na nagpasalamat sa It's Showtime

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Raul Dillo nang maging panauhin siya sa It's Showtime

- Naging bahagi siya ng Magpasikat performance nina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto at Ion Perez

- Matatandaang isa sa mga mga huling naging proyekto na kinabilangan ni Raul ay ang Batang Quiapo

- Kamakailan, kinumusta siya ni Ogie Diaz matapos mag-viral ng kanyang video na naglalako ng longganisa

Maluha-luhang nagpasalamat si Raul Dillo matapos ang kanilang pagtatanghal sa 'Magpasikat' ng It's Showtime.

Pinoy Frankenstein Raul Dillo, emosyonal na nagpasalamat sa It's Showtime
Pinoy Frankenstein Raul Dillo, emosyonal na nagpasalamat sa It's Showtime (ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Naging bahagi si Raul ng performance ng grupong 'VIDA' na binubuo nina Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto at Amy Perez.

Ito ang pansamantalang muling pagbabalik telebisyon ni Raul na minsang napanood din sa 'Batang Quiapo.'

"Maraming-maraming salamat Vhong sa lahat po ng nakasama ko rito ngayon... Binigyan niyo ako ng pagpapahalaga," ani Raul nang hingan ito ng mensahe.

Read also

Lalaki sa Nabua, Camarines Sur, nakahawak lang sa puno ng niyog para hindi matangay ng baha

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Isa pong karangalan sa akin na makasama kang muli," ani Raul na hindi maitago ang kanyang saya na naging bahagi siya ng nasabing It's Showtime episode.

Sa ngayon, isa ang pagbebenta ng longganisa ang ikinabubuhay ni Raul sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang dalawang mga anak. Katunayan, nag-viral pa ito kamakailan matapos na makunan ng ilang netizens ang kanyang pagsusumikap na makabenta. Matapos ito, binista at kinumusta siya ni Ogie Diaz.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa It's Showtime ABS-CBN Entertainment:

Isa sa mga huling naging proyekto ni Raul ay ang teleseryeng “FPJ's Batang Quiapo,” kung saan ginampanan niya ang papel bilang isa sa mga armadong tauhan ni Lorna Tolentino. Ayon kay Raul, si Coco Martin mismo ang tumawag sa kanya para maging bahagi ng nasabing serye.

Read also

Paulo Avelino, suportado ang grupo ni Kim Chiu Magpasikat

Matatandaang madalas na mapanood si Raul noong dekada '90 kanyang pagganap sa ilang horror at comedy movies. Gayunpaman, bihira na rin siyang makasama sa ilang mga proyekto ngayon kaya naman kinailangan niyang maghanap ng ibang mga pagkakakitaan.

Maging si Bernadette Sembrano ay nagawang bisitahin si Raul upang ito ay makumusta. Bukod dito, hinandugan niya rin tricycle na labis na ikinatuwa ni Raul. Malaking bagay daw ang pagkakaroon niya nito lalo na sa pagsundo at hatid ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica