Angelica Yulo, masayang ibinahagi ang training ng mga anak sa Japan
- Masayang ibinahagi ni Angelica Yulo ang umano'y training ng mga anak niya sa Japan
- Makikitang nai-repost niya ang larawan ng mga anak kasama ang kanila umanong mga tagapagsanay
- Sinasabing ang trainer na mga magkapatid ay siya rin umanong naging trainer ni Carlos Yulo noon
- Si Angelica Yulo ang ina ng 2-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
"Lezzgo kiddos!" ang bahagi ng repost ni Angelica Yulo, ina ng 2-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo.
Ito ay kaugnay sa training na isasagawa sa Japan ng dalawang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Elaiza Yulo
Sinasabing ang tagapagsanay ng dalawa pang mga Yulo sa Japan ay pawang naging tagapagsanay din ng kanilang Kuya Caloy.
"With Coach Kugimiya being their elder brother's former long-time coach, it seems like fate that they would be trained by the same person who has contributed in shaping the recognition of gymnastics in the Philippines," ayon sa KG Management Inc.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I hope the two of them can be at ease and train with no worries here," ayon umano kay Coach Kugimiya.
Narito ang kabuuan ng post:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019. Dalawang gintong medalya ang maiuuwi ni carlos mula sa 2024 Paris Olympics.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Nasundan pa umano ito ng ilan umanong reaksyon ng girlfriend nitong si Chloe San Jose sa umano'y isyu na ito ng mag-ina na umusbong sa kasagsagan ng tagumpay na natamo ni Carlos nasabing Olympic games kung saan umani siya ng dobleng karangalan bilang kinatawan ng Pilipinas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh