Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral

Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral

- Dating child star na si Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda para matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo

- Si Vice Ganda ang nagpondo ng apat na taon niyang pag-aaral sa Lyceum of the Philippines University Manila kung saan nagtapos siyang magna cumlaude

- Ikinuwento ni Amy na dumating ang tulong ni Vice noong kasagsagan ng pandemya habang hirap ang kanilang pamilya sa pinansyal

- Babalik si Amy sa showbiz at patuloy na palalaguin ang kanyang singing career matapos makapagtapos ng kolehiyo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng dating child star na si Amy Nobleza kung paano naging mahalagang bahagi si Vice Ganda sa pagtatapos niya sa kolehiyo. Ang host ng It’s Showtime ang nagpondo ng apat na taon niyang pag-aaral sa kolehiyo.

Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral
Amy Nobleza, inalala kung paano siya tinulungan ni Vice Ganda na matapos ang kanyang pag-aaral
Source: Instagram

Sa isang panayam sa PUSH Bets, ikinuwento ni Amy na dumating ang tulong ni Vice noong panahon na nahihirapan ang kanilang pamilya, lalo na noong kasagsagan ng pandemya. "Lalo nung time na 'yun dahil nga po pandemic mas lalo pong wala akong work, tapos wala ring work si papa so nung time na 'yun di ko alam kong magsta-stop ba ako," ayon kay Amy.

Read also

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

Ibinahagi rin ni Amy na pinagsikapan niya ang pag-aaral bilang pasasalamat kay Vice. "Kaya lagi po talaga akong thankful, every time may exams, may kailangang ipasa lahat, laging nasa isip ko na lahat ng ito hindi ko magagawa kung wala siya," aniya.

Nagtapos si Amy bilang magna cumlaude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management sa Lyceum of the Philippines University Manila. Plano niyang magtayo ng sariling negosyo o pumasok sa kumpanya bilang marketing professional.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngayon, bukas si Amy sa pagbabalik sa showbiz at pagpapatuloy ng kanyang singing career matapos siyang makapag-release ng single ngayong taon.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Judy Ann Santos, hindi inasahan ang ginawa ng anak na si Luna: "Akala ko safe ako"

Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig.

Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate