Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador

Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador

- Inilahad ni Willie Revillame ang kanyang dahilan sa tila biglaang desisyon sa pagtakbo bilang senador

- Ito'y matapos na mausisa siya sa programang The Big Story ng One PH

- Ayon kay Willie handa umano siyang umikot sa iba;t ibang lugar sa bansa pagdating ng araw

- Matatandaang minsan nang inalok noon si Willie na mapabilang sa mundo ng pulitika

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sinagot ni Willie Revillame ang tanong ng marami kung bakit siya naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador ng bansa.

Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador
Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador (TBS One PH)
Source: Youtube

Sa programang The Big Story ng One PH, narinig sa unang pagkakataon ang dahilan ni Willie sa tila biglaan nitong desisyon.

"Kasi doon sa studio ng Wil to Win, it's only about 600 people every day. So ang natutulungan mo, hindi mo natutulungan lahat yung 600 na yun. So 'yung budget mo sa tulong, limited. And then nakita ko 'yung awayan nang awayan sa congress, awayan nang awayan sa senado, sabi ko kawawa ang mga Pilipino. Ito yung mga taong binoto, ito yung mga taong pinagkakatiwalaan. Pero nakakalimutan yung mga kawawang kababayan natin. So I thought, baka makatulong ako kahit papaano. At siguro makikipag-away ako sa senado para sa mahirap."

Read also

EJ Obiena, nagsalita kaugnay sa mga gawa-gawang kwento tungkol sa kanila ni Carlos Yulo

Matatandaang matagal na umanong may mga lumalapit kay Willie upang pasukin ang mundo ng pulitika subalit tumatanggi ito noon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I'll be honest, napaiyak pa ako. Paurong na ako e pero may mga kumausap sa'kin syempre ito na yung chance. Ikaw ba gusto mong tumulong sa mga mahihirap, Half-hearted pa rin ako e."

Gayunpaman, nabanggit din ni Kuya Wil na maari pang pwedeng mangyari. Ang nais lamang niya umano ay ang patuloy na makatulong ngunit sa pagkakataong ito, sa mas maraming mga Pilipino.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Willie Revillame, nanawagan ng dasal sa mga manonood ng #WilToWin

Samantala, matapos na iwan ang GMA 7 kung saan napapanood ang programa niyang Wowowin, minsan nang naging bahagi si Willie ng ALL TV Network subalit pansamantala rin itong nagsara. Abril ng 2023 tuluyan na ring pinaterminate ni Willie ang kontrata niya sa nasabing network. Ito umano ay dahil sa tuloy ang pasahod sa kanya kahit hindi sumasa-ere ang kanyang programa. Aniya, hindi siya papayag sa ganoong sitwasyon gayung pakiramdam niya'y pabigat lamang siya sa nasabing istasyon.

Kasalukuyan namang umeere ang kanyang programang Wil to Win sa TV5 kung saan patuloy siyang mapapanood hanggang Pebrero. Matapos ito, bibigyang daan naman ang kampanya ni Kuya Wil sa pagtakbo nito sa pagka-senador.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica