Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”

Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”

- Nagbukas ng hotel si Wilma Doesnt na katabi ng kanyang restaurant business na "Chix ni Otit" sa Tagaytay

- Nirentahan niya ang 13-room hotel mula sa dating may-ari at inayos ito para maging mas komportable sa mga guest

- Ginagamit ni Wilma ang hotel bilang overflow accommodation para sa mga customers tuwing weekend

- Plano ng aktres at kanyang asawa na magtayo ng ikatlong branch ng "Chix ni Otit" sa Makati o Baguio

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bukod sa kanyang matagumpay na restaurant business na "Chix ni Otit" na may dalawang branches sa Cavite—isa sa General Trias at isa pa sa Tagaytay—nagmamay-ari na rin ngayon ng isang hotel ang model-turned-actress na si Wilma Doesnt. Katabi lamang ng kanilang kilalang carinderia sa Tagaytay, ang hotel na ito ay may 13 kwarto at umiral na bago pa man nakuha ni Wilma ang kontrata. Kinausap umano niya ang dating may-ari upang rentahan ito, at pumayag naman sa kanilang usapang sampung taong pagmamay-ari.

Read also

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”
Wilma Doesnt, nag-expand sa hotel business kasabay ng tagumpay ng “Chix ni Otit”
Source: Instagram

Ayon kay Wilma, mas pinapaganda pa niya ang nasabing hotel, ngunit ito ay bukas na para sa mga bookings. “Kapag may overflow ng customers sa weekend, doon ko sila nilalagay kasi may cafe rin doon,” masayang pagbabahagi ni Wilma, na kasalukuyang aktibo sa hit Kapuso medical serye na “Abot-Kamay na Pangarap.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na rin niya binago ang pangalan ng hotel, sapagkat ito na ang naabutan niya, ngunit nagpa-lettering siya para sa signage sa tulong ng kaibigan niyang si Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez. “Maganda kasi ang sulat ni Lucy, kaya 'yon ang ilalagay kong signage doon,” kuwento pa ng komedyana, na gumaganap bilang pambansang Josa sa kanyang serye.

Sa kanyang restaurant naman, plano ni Wilma at ng kanyang mister na si Gerick Parin na magpatayo ng isang malaking commissary para sa supplies ng "Chix ni Otit." Sa kanilang vision, layunin nilang magbukas ng pangatlong branch sa Makati o sa Baguio.

Read also

Posibleng motibo sa pamamaril sa mag-asawang negosyante, inilahad ng pulisya

Si Wilma Doesnt ay isang kilalang komedyante at aktres sa Pilipinas. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Sisterakas (2012), Beauty and the Bestie (2015) at Magikland (2020).

Kamakailan ay naging usap-usapan ang beach outing nila kasama ang kaibigan niyang si John Lloyd Cruz bago pa man ito tuluyang nagbalik sa showbiz.

Nag-viral din ang prom look ng kanyang anak. Natatandaang masaya nilang inanunsyo ng kanyang nobyo na si Gerick Livelo Parin ang kanilang engagement. Natuwa ang mga netizens lalo na nang sabihin niyang 'forever' na siyang Doesnt dahil sa oras na sila'y ikasal ng nobyo, "Wilma Doesnt Parin" ang kanyang pangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate