PA ni Heart Evangelista, emosyonal habang ibinabahagi ang 20 taong serbisyo kay Heart
Naging emosyonal si Ate Resty habang ikinukwento ang 20 taon niyang paninilbihan kay Heart Evangelista
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Ate Resty na itinuring siyang pamilya sa buong panahon ng kanilang pagsasama
Ayon kay Heart, si Ate Resty ay higit pa sa isang personal assistant, tinawag niya itong "good compass" sa kanyang buhay
Kasama si Ate Resty sa mga nakatanggap ng mamahaling Hermes at designer bags mula kay Heart bilang Christmas gift
Naging emosyonal ang personal assistant at matalik na kaibigan ni Kapuso star Heart Evangelista na si Resty Rosell, o mas kilala bilang "Ate Resty," nang makapanayam siya sa reality series na Heart World. Sa pinakabagong episode ng nasabing serye nitong Sabado, Nobyembre 7, ibinahagi ni Ate Resty ang kaniyang nararamdaman matapos magsilbi bilang personal assistant ni Heart Evangelista sa loob ng dalawang dekada.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Ate Resty, sa loob ng 20 taon niyang paninilbihan sa aktres, itinuring na siyang pamilya. Ani ni Ate Resty, “20 years na kaming magkasama. Naku, grabe, working with 'Ganda,’ tinuring kang family,” sabay takip ng mukha dahil sa bigla niyang pagluha.
Binigyang-diin naman ni Heart Evangelista na hindi lang isang personal assistant si Ate Resty, kundi isang "good compass" din sa kaniyang buhay. Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Heart, “She knew who I was. She's also like a good compass kung tama ba 'tong nagawa ko o hindi.”
Matatandaan na si Ate Resty ay kasama sa mga nakatanggap ng mga mamahaling regalo mula kay Heart Evangelista, kabilang na ang mga Hermes at designer bags bilang bahagi ng kaniyang Christmas gift para sa mga taong malapit sa kanya.
Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.
Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.
Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh