Jackie Chan, nawalan ng malay habang nagsu-shoot ng fight scene para sa bagong pelikula

Jackie Chan, nawalan ng malay habang nagsu-shoot ng fight scene para sa bagong pelikula

- Nawalan ng malay si Jackie Chan habang nagsu-shoot ng fight scene para sa pelikulang Panda Plan

- Agad na tinulungan ng mga staff si Chan ngunit tila wala siyang kamalayan sa nangyari

- Ipinaliwanag ni Chan na marahil nawalan siya ng malay dahil sa headlock at sa kanyang paghinga

- Tiniyak ni Chan na maayos siya at itinuloy ang pag-shoot ng eksena matapos ang mabilis na pahinga

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-alala ang mga tagahanga ni Jackie Chan matapos mawalan ng malay ang 70-anyos na martial arts legend habang nagsu-shoot ng isang fight scene para sa kanyang paparating na pelikulang Panda Plan. Sa isang behind-the-scenes video, makikita si Chan na na-headlock ng isang lalaki, at ilang saglit lamang ay nawalan siya ng malay at bumagsak.

Jackie Chan, nawalan ng malay habang nagsu-shoot ng fight scene para sa bagong pelikula
Jackie Chan, nawalan ng malay habang nagsu-shoot ng fight scene para sa bagong pelikula
Source: TikTok

Agad namang lumapit ang mga staff upang tulungan ang aktor, ngunit tila walang reaksyon si Chan at hindi niya alam ang nangyari.

Read also

Inang halos sunod-sunod na taong namatayan ng tatlong anak, hinangaan sa katapangan

Matapos ang ilang minutong pahinga, nagising si Chan at nagtanong kung ano ang ginagawa nila. Nang ipinaalam sa kanya na nawalan siya ng malay, hindi makapaniwala ang aktor at ipinaliwanag na marahil ay nangyari ito dahil sa paghinga niya nang matagal habang nasa headlock.

Bagamat nagdulot ng pag-aalala ang insidente, iginiit ni Chan na siya ay nasa maayos na kalagayan. Matapos ang mabilis na pahinga, itinuloy niya ang pag-shoot ng eksena. Sa isang panayam pagkatapos ng insidente, pinawi ni Chan ang pangamba ng kanyang mga tagahanga, at sinabing walang dapat ipag-alala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, kinailangan niyang igiit na ayos lang siya at baka daw hindi siya payagang huwag gumamit ng double. Dagdag pa ng aktor, makakaramdam siya ng guilt kung sakaling may ibang gagawa ng stunts para sa kanya.

Read also

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Gayunpaman, marami pa rin ang nag-alala para sa kalusugan ni Chan, lalo na dahil sa kanyang edad.

Sa loob ng higit anim na dekada ng kanyang karera, lumabas si Chan sa mahigit 150 pelikula, kabilang ang Drunken Master, The Big Brawl, Police Story, Rush Hour series, at ang remake ng The Karate Kid.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, katatapos lang ng NBA legend na si Kobe Bryant ng kanyang dalawang araw na pagbisita sa Maynila para sa kanyang Mamba Mentality tour noong 2016. Nakatakda rin ang basketball star na lumabas sa paparating na pelikulang Ghostbusters. Nag-post siya sa Instagram ng larawan nila ni Jackie Chan sa Beijing.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: