Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

- Inanunsyo ni Sunshine Garcia ang kanyang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan

- Ibinahagi niyang ito na ang kanilang magiging bunso at nagpapasalamat siya sa asawang si Alex Castro

- Nais lamang sana ni Sunshine na maghapunan kasama ang pamilya ngunit inayos ng kanyang asawa ang engrandeng selebrasyon

- Nagpasalamat din si Sunshine sa kanyang glam team, mga suppliers, at mga kaibigan na tumulong sa pagdiriwang

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan, masayang isinapubliko ni Sunshine Garcia ang magandang balitang siya ay muling nagdadalang-tao. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng dating SexBomb dancer ang kanyang tuwa at pasasalamat sa muling pagbubuntis, na aniya ay ang kanilang "bunso" na.

Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan
Sunshine Garcia, isinapubliko ang pagbubuntis sa pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan
Source: Instagram

Ibinahagi ni Sunshine ang ilang pictures na kuha ng Nice Print na kanya ding pinuri, "@charissetinionp @niceprintphoto the best talaga kayo."

"Parang kailan lang, 40 na agad at preggy ulit?" ani Sunshine. Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa asawang si Alex Castro, na nag-organisa ng engrandeng pagdiriwang kahit pa nais lang sana ni Sunshine na magkaroon ng simpleng hapunan kasama ang pamilya. "Shout out sa husband ko, thank you sa lahat ng effort para maging happy ako," dagdag pa niya.

Read also

Sharon Cuneta, nag-react sa paglagay ng picture niya sa mga handaan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpasalamat din si Sunshine sa mga kaibigan, suppliers, at sa glam team na tumulong upang maging matagumpay ang kanyang kaarawan. Ipinahayag din niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga yumaong magulang, na aniya'y maligaya sa kalangitan sa natanggap nilang biyaya.

Si Sunshine Garcia ay isang Filipina dancer, actress, at television personality na naging kilala bilang miyembro ng all-female dance group na SexBomb Girls. Sumikat siya sa pamamagitan ng kanyang mga pagganap at pagiging bahagi ng noontime show na Eat Bulaga! at sa iba pang palabas kung saan tampok ang SexBomb Girls. Bukod sa pagsayaw, naging bahagi rin siya ng ilang mga teleserye at pelikula. Kasal si Sunshine sa aktor at politiko na si Alex Castro.

Matatandaang ibinahagi ni Sunshine ang kanyang payo para sa mga mag-asawang dumaranas ng hindi pagkakaunawaan. Ayon sa misis ng Bise Gobernador ng Bulacan na si Alex Castro, mahalaga ang bukas na komunikasyon upang maresolba ang mga sigalot sa isang relasyon. Payo rin ng celebrity mommy sa mga mag-asawa, lalo na iyong may mga anak na, na subukan ang marriage counseling.

Read also

Yassi Pressman, ibinida ang first anniversary nila ni Gov Luigi Villafuerte

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isinugod agad ni Sunshine ang kanyang anak na si Xander sa ospital dahil sa mataas na lagnat, panginginig, pantal sa balat, at pagsusuka. Kinabukasan, nang sila ay pinauwi, nagkaroon si Xander ng dalawang seizure, kaya't napilitan si Sunshine na dalhin muli ito sa ospital. Habang papunta sila sa ospital, labis na natakot si Sunshine nang mapansin niyang hindi kumukurap ang kanyang anak habang nagse-seizure. Binigyan si Xander ng oxygen sa ospital at natuklasan sa urine test na siya ay positibo sa urinary tract infection.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate