Misis ni Zeus Collins, nag-react sa 'sugar daddy' comments sa picture nila ng kanyang ama

Misis ni Zeus Collins, nag-react sa 'sugar daddy' comments sa picture nila ng kanyang ama

- Nagbahagi si Pauline Redondo Arellano ng picture kasama ang kanyang ama na umani ng mga maling akala mula sa netizens

- Ilan sa mga netizens ay nag-komento na akala nila ay “sugar daddy” o “jowa” ang kasama ni Pauline

- Nilinaw ni Pauline ang sitwasyon sa isang post na may caption na “Daddy” at laughing emoji

- Ang orihinal na caption ng post ay patungkol sa flight ng kanyang ama patungong Bangkok

Nagbahagi si Pauline Redondo Arellano, misis ng Hashtags member na si Zeus Collins, ng isang larawan kasama ang kanyang ama, na kalaunan ay naging tampulan ng iba't ibang komento mula sa netizens. Dahil walang caption na nagpapaliwanag, ilang netizens ang nagbigay ng maling akala na ang kasama niya ay isang “sugar daddy.”

Misis ni Zeus Collins, nag-react sa 'sugar daddy' comments sa picture nila ng kanyang ama
Misis ni Zeus Collins, nag-react sa 'sugar daddy' comments sa picture nila ng kanyang ama
Source: Facebook

Ang orihinal na caption ni Pauline sa larawan ay: “My VVIP pax on board for today's flight to Bangkok!” Ngunit hindi ito nakapigil sa ilang mga netizens na magbigay ng mga puna, kabilang ang: "Tatay mo pala akala namin ma'am," at "Akala ko sugar daddy, bkt ganun Akala ko jowa, daddy pala."

Read also

Kylie Padilla, naging sentimental sa binahaging life update tungkol sa mga anak

Bilang tugon, binahagi ni Pauline ang isang post na may simpleng caption na "Daddy" na may kasamang laughing emoji, na tila tinatawanan na lamang ang mga maling akala ng mga tao tungkol sa kanyang ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikinasal na ang actor-dancer na si Zeus Collins kay Pauline Redondo na isang flight attendant. Ginanap ang kanilang beach wedding sa Acea Subic Beach Resort, Subic, Zambales, noong Sabado, December 9, 2023.

Matatandaang nag-post si Zeus Collins sa Instagram upang harapin ang mga tsismis na siya at si Chie Filomeno ay sangkot sa umano'y isang video scandal. Mariin niyang sinabi na hindi totoo ang tsismis at alam niyang kumakalat na ito sa loob ng ilang panahon. Sinabi rin ng sikat na mananayaw na itigil na ng lahat ang panggugulo sa masaya niyang buhay. Bukod pa rito, binanggit ni Zeus ang kanyang non-showbiz girlfriend sa kanyang post at ipinahayag ang pagmamahal para sa kanya.

Kamakailan ay matapang na sumagot si Chie Filomeno sa tweet ng isang netizen. Ang basher ay nag-tweet tungkol sa isyu ng "parking lot trend" na may kinalaman kay Chie at Zeus Collins. Ayon sa Kapamilya actress, "fake news" ang nasabing tweet. "Bakit ka masyadong apektado," dagdag pa ni Chie sa kanyang tweet.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate