Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"

Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"

- Naging sentimental si Michelle Madrigal matapos makita ang sonogram ng kaniyang anak na si Anika

- Inihayag niyang matagal na siyang nananalangin para magkaroon ng isa pang anak

- Si Anika ay anak ni Madrigal sa dating asawa niyang si Troy Woolfolk

- Ikinasal namang muli si Madrigal kay Kevin Neal sa isang courthouse wedding sa Texas kamakailan

Naging sentimental si Michelle Madrigal matapos makita ang sonogram ng kaniyang anim na taong gulang na anak na si Anika. Sa pamamagitan ng Instagram Stories noong Biyernes, Setyembre 20, inihayag ng celebrity mom na matagal na siyang nananalangin para magkaroon ng isa pang anak.

Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"
Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"
Source: Instagram

Tidying up and saw this framed ultrasound of Anika," ani Madrigal, habang ipinakita ang larawan ng kaniyang panganay na anak nila ng dati niyang asawang si Troy Woolfolk. "I've been praying to have another child soon. I was pregnant with Anika at 28yo! She's def my biggest blessing!!! dagdag pa niya.

Read also

Jericho Rosales, may dalang iPad sa first date nila ni Janine Gutierrez

Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"
Michelle Madrigal, gustong magka-baby uli: “I’ve been praying"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang ikinasal si Madrigal sa kaniyang non-showbiz partner na si Kevin Neal noong Hulyo sa isang simpleng seremonya sa courthouse sa Austin, Texas.

Isang buwan matapos ikasal, ipinahayag ni Michelle Madrigal ang kaniyang pasasalamat sa asawang si Kevin Neal, at sinabing naging "softer and sweeter" ang kaniyang buhay kasama ito.

“Grateful for a partner who listens, cares, and loves us both—my daughter and me,” aniya. “Together, we honor God and cherish each other, building a love that grows stronger every day.”

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Matatandaan inanunsyo ni Michelle ang kanyang planong pagpapakasal sa pamamagitan ng Instagram story. Sinabi niyang pinanatili niyang pribado ang kanyang buhay pag-ibig simula nang matapos ang kanyang huling relasyon. Ayon kay Michelle, ang pagdesisyon na manatiling tahimik tungkol dito ang pinakamainam na nagawa niya. Ipinahayag din niya ang kasiyahan sa pagkakatagpo ng lalaking itinadhana sa kanya ng Diyos.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Samantala, sinorpresa ni Michelle ang kanyang fiancé bago ang kanilang kasal sa pamamagitan ng pagpapagawa ng veneers. Matagal nang pinapangarap ng kanyang fiancé na magkaroon ng veneers kaya nagdesisyon si Michelle na regaluhan siya nito. Ayon kay Michelle, ito ay para gawing mas espesyal ang kanilang araw at nagpapasalamat siya sa aniya'y pinakamahusay na cosmetic dentist sa Austin. Matatandaang kinompirma ni Michelle na nakatakda siyang ikasal sa kanyang fiancé na kapanalig niya at isa ring Christian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate