Chloe San Jose, nakapanayam ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel

Chloe San Jose, nakapanayam ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel

- Matapos makapanayam si Carlos Yulo, si Chloe San Jose naman ang nakapanayam ni Luis Manzano

- Dito ay nabahagi ni Chloe ang tungkol sa personal niyang buhay mula nang lumipat sila sa Australia noong 11 taong gulang sya

- Ayon kay Chloe, kung may isang salitang makakapaglarawan sa kanya, ito ay ang salitang 'authentic'

- Mas pinili daw niyang maging authentic kesa piliing gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa mga tao

Matapos ang matagumpay na panayam kay Carlos Yulo, si Chloe San Jose naman ang naging bisita ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel. Sa kanilang masayang usapan, ibinahagi ni Chloe ang mga karanasan niya mula sa personal niyang buhay, lalo na nang lumipat ang kanilang pamilya sa Australia noong siya ay 11 taong gulang pa lamang.

Chloe San Jose, nakapanayam ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel
Chloe San Jose, nakapanayam ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel
Source: Youtube

Sa tanong ni Luis kung paano niya ilalarawan ang kanyang sarili, sinabi ni Chloe na ang salitang "authentic" ang pinakamalapit na paglalarawan sa kanya. Ayon kay Chloe, mas pinipili niyang maging totoo sa sarili kaysa gawin ang mga bagay na magpapasaya lamang sa ibang tao.

Read also

Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis

Ang panayam na ito ay nagbibigay ng mas malalim na pagtingin sa buhay ni Chloe, at ipinakita ang kanyang matibay na paninindigan sa pagiging tapat sa kanyang mga prinsipyo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate