Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

- Malaking tulong ang nagawa ng Ex-PBB housemate na si John Adajar sa pagkakadakip sa isang snatcher sa San Pablo

- Hindi man siya ang mismong biktima, 'di siya nagdalawang-isip na tumulong para madakip ang salarin

- Idinetalye ni John ang kanyang nasaksihan, dahilan para siya ay mamagitan na sa mga pangyayari

- Si John ay ang tinaguriang "Mr. Mixed Martial Father of Laguna" ng PBB Celebrity Edition Season 10

Naging malaking bahagi ng pagkakaaresto sa isang snatcher sa San Pablo City ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10 housemate na si John Adajar.

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo
Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo (@johnadajar)
Source: Facebook

Sa isang video, makikita kung paano nagawang madakip ni John ang snatcher na kanya lamang umanong nakita habang siya ay nasa isang coffee shop.

Sa panayam sa kanya ng Frontline, sinabi ni John na napansin lamang niyang tila may nagkakagulo sa hindi kalayuan at ito na nga ang panghahablot ng cellphone ng isang lalaki.

Read also

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Dala ng kanyang pagiging isang Mixed Martial Arts Fighter, tila madali na lamang sa kanya ang pagtugis sa snatcher hanggang sa tuluyan na itong maaresto ng mga awtoridad.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado man si John na labis na mapanganib ang kanyang nagawa lalo na at tila may dalang armas ang salarin, pagtulong umano ang tanging nasa isip niya sa mga oras na iyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Si John Adajar na kabilang sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity edition. Nakasama niya sina Kyle Echarri, TJ Valderrama, Eian Rances, Jordan Andrews, KD Estrada, Alexa Ilacad, Brenda Mage, Daisy "Madam Inutz" Lopez, Samantha Bernardo. Sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ang tinaguriang Celebrity Top 2.

Read also

Iya Villania, may nakakaaliw na post tungkol sa pagbubuntis niya

Samantala, ilan sa mga big winners din ang namamayagpag ngayon sa showbiz tulad nina Kim Chiu na kauna-unahang big winner ng teen edition. Matatandaang kasama rin niya roon si Gerald Anderson. Gayundin si Melai Cantiveros na big winner ng PBB double-up kung saan nakasama niya ang kanya ngayong mister na si Jayson Francisco. Ilan pang big winners na pinalad sa showbiz ay sina James Reid, Maymay Entrata at Daniel Matsunaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica