Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

- Kinumpirma nina Vin Abrenica at Sophie Albert na isa pang baby girl ang kanilang magiging ikalawang anak

- Ibinahagi nila ang balita sa isang YouTube vlog noong Setyembre 15, 2024, matapos ang ultrasound session

- Ang kanilang unang anak na si Avianna Celeste ay excited na sa pagdating ng kanyang kapatid

- Ipinahayag din ng mag-asawa ang balita sa isang Instagram post, na bumuhos ng pagbati mula sa mga kaibigan at fans

Ikinagalak ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang pagbubunyag na isa pang babae ang kanilang magiging ikalawang anak. Ito ay matapos nilang ibahagi sa isang YouTube vlog noong Setyembre 15, 2024, ang emosyonal na sandali kung saan lumabas sa ultrasound session na sila ay magkakaroon ng baby girl.

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak
Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak
Source: Instagram

Sa naturang video, kitang-kita ang emosyon ni Vin nang biglang mapabulalas siya ng “Oh My God!” bago tinakpan ang kanyang mga mata, tila pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Samantala, ang kanilang unang anak na si Avianna Celeste ay maririnig na excited na sa pagdating ng kanyang kapatid, na tinatawag nilang "Baby Tiny."

Read also

Doc Willie Ong, muling dumaan sa kritikal na kondisyon

Bukod sa YouTube, ibinahagi rin ng mag-asawa ang kanilang magandang balita sa Instagram, kung saan inilagay ni Albert ang caption na “Surprise surprise! Baby Tiny is a ___,” kasabay ng isang pink ribbon emoji, na nagpapahiwatig na sila ay magkakaroon ng isa pang anak na babae.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga fans at kapwa artista tulad nina Rodjun Cruz, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Pancho Magno, at Kylie Padilla. Matatandaang noong Hulyo 2024 unang kinumpirma nina Abrenica at Albert na sila ay magiging pamilya ng apat, tatlong taon matapos nilang isilang ang kanilang unang anak na si Avianna noong Marso 2021.

Si Vin Abrenica ay aktor na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang Kapamilya series kagaya ng Wild Flower at A Soldier's Heart. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor na si Aljur Abrenica.

Read also

Sylvia Sanchez, excited na sa pagdating ng unang apo: "Anytime na eh"

Magiliw na nagkwento si Vin ng kanilang mga eksena ni Kylie Padilla. Ang kapatid ni Aljur Abrenica at si Kylie ay naging kabilang sa mga cast ng GMA series na "Mga Lihim Ni Urduja" . Sa isang panayam kay Nelson Canlas, sinabi ni Vin na natatawa siya sa mga reaksyon tungkol sa kanilang mga eksenang away ni Kylie.

Sina Vin at Sophie Albert ay nagbahagi ng magandang balita tungkol sa kanilang pamilya. Sa Instagram, inanunsyo ni Sophie na siya ay kasalukuyang buntis sa kanilang pangalawang anak ng aktor. Ibinahagi rin ng aktres at celebrity mom ang ilang magagandang larawan ng kanilang pamilya. Sa mga naturang larawan, makikita si Sophie na ipinagmamalaki ang kanyang baby bump.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Hot: