Markus Paterson, ibinahagi ang munting surpresa sa anak niyang si Jude

Markus Paterson, ibinahagi ang munting surpresa sa anak niyang si Jude

- Ibinahagi ni Markus Paterson kung paano niyang sinurpresa ang anak na si Jude

- Sa isa sa kanilang bonding moments kung saan kailangang mag-nap ni Jude, naisip ni Markus na isurpresa ang anak

- At nang ito nga ay magising, tila nagtataka ito kung paanong ang barya ay naging "chocolate coins"

- Matatandaang minsan nang nabanggit ni Markus kung paano ang co-parenting set-up nila ni Janella Salvador pagdating sa anak nilang si Jude

Ibinahagi ni Markus Paterson ang isa sa mga bonding moments nila ng kanyang anak na si Jude.

Markus Paterson, ibinahagi ang munting surpresa sa anak niyang si Jude
Markus Paterson, ibinahagi ang munting surpresa sa anak niyang si Jude (@markusrpaterson)
Source: TikTok

Sa ilan niyang social media page, ipinakita ni Markus kung paano niya nasurpresa ang anak kung saan nasabi niya na ang mga coins ay magiging chocolates matapos ang kanyang afternoon nap.

Kaya naman nang makatulog si Jude, dali-dali si Markus na umalis para bumili umano ng 'chocolate coins'.

Read also

Ion Perez, sinurpresa si Vice Ganda: "Para sa busy kong misis"

Nang magising si Jude, laking gulat nito na ang coins na nasa kanilang higaan ay naging chocolate coins nga tulad ng nasabi ng kanyang ama. Agad niya itong pinabuksan para kainin para kumpirmahin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng video:

Si Mark Paul Robert Paterson o mas kilala bilang si Markus Paterson ay isang actor, singer, television host, at athlete. Minsan siyang naging bahagi ng reality show na Pinoy Boyband Superstar. Siya ay naging partner ni Janella Salvador kung saan nabiyayaan sila ng isang anak, si Jude Trevor. Subalit dahil umano sa hindi pagkakaunawaan, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon na umano'y mas madalas nang bumalik na sila sa Pilipinas.

Samantala, naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Markus sa kanilang podcast na 'Boy after dark' kung saan nasabi niyang "never date someone from the industry." Nagkataong ito ay matapos ang hiwalayan nila ni Janella kaya inakala ng marami na ito ay patungkol sa aktres.

Read also

Careless PH, kinumpirma ang nababalitang wala na sa kanila si Liza Soberano

Gayunpaman, pinabulaanan ni Markus na patungkol ito sa ina ng kanyang anak lalo na at nakapag-post naman siya ng papuri sa aktres matapos na maging usap-usapan ang kanyang naging pahayag. Matatandaang labis-labis din ang papuri ni Markus kay Janella pagdating sa pagpapalaki nito sa anak nilang si Jude. "I couldn't ask for a better mother of my child. Sobrang galing niya," ani Markus.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: