Annabelle tinupad pangako sa yumaong daughter-in-law na si Alexa Gutierrez

Annabelle tinupad pangako sa yumaong daughter-in-law na si Alexa Gutierrez

- Abala si Annabelle Rama sa pag-aasikaso ng birthday party ng kanyang apo na si Aria

- Si Aria ay anak ng yumaong daughter-in-law ni Annabelle na si Alexa Uichico-Gutierrez at ni Elvis Gutierrez

- Nangako si Annabelle at Eddie Gutierrez na tutulong kay Elvis sa pagpapalaki kina Aria at Ezra matapos pumanaw si Alexa

- Araw-araw ipinagdarasal ni Annabelle ang kaluluwa ni Alexa dahil sa kanilang sobrang pagiging malapit sa isa't isa

Abalang-abala ngayon si Annabelle Rama sa paghahanda para sa nalalapit na children’s party ng kanyang apo na si Aria, panganay na anak ng kanyang pumanaw na daughter-in-law na si Alexa Uichico-Gutierrez, misis ni Elvis Gutierrez.

Annabelle tinupad pangako sa yumaong daughter-in-law na si Alexa Gutierrez
Annabelle tinupad pangako sa yumaong daughter-in-law na si Alexa Gutierrez
Source: Instagram

Ayon sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, gaganapin ang birthday party ni Aria sa darating na Setyembre 29, kung saan magdiriwang ng kanyang ika-10 kaarawan ang bata. Nakapagpadala na ng mga imbitasyon si Annabelle para sa nasabing okasyon.

Read also

Aiai Delas Alas, nais daw bumili sa live selling ni Angelica Yulo: "Support ko live selling nila"

Matatandaang nang pumanaw si Alexa, nangako si Annabelle at ang kanyang asawang si Eddie Gutierrez na sila na ang tutulong kay Elvis sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Aria at Ezra.

"Mahal na mahal ko ang mga apo ko, kaya sabi ko nga sa wake ni Alexa, na kami na ni Eduardo ang bahalang tumulong kay Elvis sa pagpapalaki kina Aria, Ezra," ani Annabelle.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa parehong ulat, ikinuwento rin ni Annabelle na araw-araw niyang ipinagdarasal ang kaluluwa ni Alexa, dahil sa sobrang pagmamahal at pagkakalapit nila sa isa't isa. Hindi maitatanggi ang matinding kalungkutan na nararamdaman pa rin ni Elvis sa pagkawala ng kanyang asawa, at halos araw-araw itong nagpo-post ng mga video at larawan kasama ang kanyang mga anak at si Alexa.

Si Alexa Gutierrez, sister-in-law ni Ruffa Gutierrez at asawa ni Elvis Gutierrez, ay na-diagnose na may Acute Lymphoblastic Leukemia, kung saan ang kanyang katawan ay gumagawa ng mas maraming white blood cells kaysa sa red blood cells.

Read also

Marian 'Kalokalike,' natanong ni Vice Ganda kung sino gusto niya makausap: "Si K...si Karylle"

Matatandaang nagbahagi si Alexa ng madamdaming mensahe para sa asawang si Elvis sa kanilang anibersaryo habang siya ay patuloy na lumalaban sa Leukemia. Pinasalamatan niya ang asawa sa walang sawang pagmamahal at suporta lalo na sa mga panahong siya ay mahina.

Sa mga huling post ni Alexa bago siya pumanaw, nagbahagi siya tungkol sa pagpasok niya sa mga anak sa isang personality development training center. Ilan daw sa mga dailan kung bakit nila pinasok ang mga anak na sina Aria at Ezra sa naturang center ay para malinang ang kanilang Social skills, self presentation, confident communication, social graces at personal growth.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate