Ogie Diaz, nanghihinayang umano sa iniwang career ni Liza Soberano sa Pilipinas

Ogie Diaz, nanghihinayang umano sa iniwang career ni Liza Soberano sa Pilipinas

- Nabanggit ni Ogie Diaz na nanghihinayang umano siya sa iniwang showbiz career ni Liza Soberano sa Pinas

- Aniya, mainam sanang habang sumasabak ito sa Hollywood, 'di niya iniwan ang career sa Pilipinas

- Hiling din niyang maramdaman muli ang dating Elizabeth Hope Soberano

- Sa ngayon, napapabalitang tila wala na umano sa Careless management ang aktres

Nabanggit ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin ukol sa dating alaga na si Liza Soberano. Ayon sa kanya, may kalungkutan siya na hindi naipagpatuloy ni Soberano ang kanyang showbiz career sa Pilipinas habang sinusuong ang kanyang pangarap sa Hollywood.

Ogie Diaz, nanghihinayang umano sa iniwang career ni Liza Soberano sa Pilipinas
Ogie Diaz, nanghihinayang umano sa iniwang career ni Liza Soberano sa Pilipinas (@lizasoberano)
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, nasabi ni Ogie na sana'y isinabay na lamang ni Liza ang kanyang Hollywood dream at tuloy pa rin ang kanyang pag-aartista dito sa Pilipinas.

"Pero kung ang pag-uusapan ay yung mga nagawa ni Liza, nanghihinayang lang din ako. Na sana na-continue niya 'yun. Na sana ay tinuloy-tuloy niya ang showbiz career niya dito sa Pilipinas at yung kanyang dream sa Hollywood ay isinabay lang din niya."

Read also

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Aminado rin si Ogie na hindi pa rin umano nawawawala sa kanyang puso si Liza. "Minsan may lungkot, minsan may kurot. Hindi pa rin naaalis dun na sana ay maramdaman ulit namin yung si Elizabeth Hope Soberano lalo na yung mga taong nakakakilala sa kanya," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Liza Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Kamakailan, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica