Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

- Ipinaliwanag ni Gigi De Lana kung bakit piniling ituloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw noon ng ina

- Matatandaang nasa Canada sila noon ng kanyang banda para sa ilang mga concerts doon

- Siya mismo ang nagsabing ituloy pa rin ito at pagkatapos ng lahat ng kanilang commitments, saka lamang sila nakabalik sa Pilipinas

- Emosyonal na inalala ni Gigi ang pagkakataong iyon na nagawa pa umano siyang i-bash ng ilang netizens

Ibinahagi ni Gigi De Lana ang kanya umanong dahilan kung bakit siya mismo noon ang nagsabi na ituloy ang mga shows nila sa Canada sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ina noong Mayo 14.

Gigi De Lana, sinagot bakit tinuloy pa noon ang concert sa kabila ng pagpanaw ng ina
Gigi De Lana kasama ang kanyang Mama Imelda (Gigi De Lana)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, binalikan ni Gigi ang pagkakataong ito na labis pa ring dumudurog sa kanyang puso.

Aniya, siya ang nagdesisyong magpatuloy sa kanilang mga commitments sa Canada at inialay na rin sa kanyang ina ang kanyang bawat pagtatanghal doon.

Read also

Gigi De Lana, emosyonal na inalala ang huling usap nila ng ina bago ito pumanaw

"Ma, iaalay ko tong concert na to for you. Makakanood ka na... In spirit."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit sa kabila nito, may ilang kumekwestyon sa kanyang naging desisyon at nagsasabing tila mas dapat na umuwi na kaagad kung talagang mahal niya ang kanyang ina.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Gigi ang turo ng kanyang Mama Imelda na siyang naging dahilan kung bakit niya piniling tapusin ang mga show sa Canada bago siya umuwi sa labi ng ina sa Pilipinas.

"My mom taught me one thing na you have to be professional all the time. Kasi hindi naman nila alam kung namatayan ka o hindi e. Kung ano yung pinagdadanan mo na yun," aniya.

Narito ang kabuuan ng naging panayam kay Gigi mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters Before the Wedding.'

Read also

Kai ng PBB Gen 11, hinangaan sa ipinakitang reaksyon nang makasama ang tunay na ina

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Noong Mayo 14 ng kasalukuyang taon, inanunsyo ni Gigi ang pagpanaw ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng isang social media post, ibinahagi niya ang larawan ng ina na may caption na "Mahal na mahal kita... Pahinga ka na po Mama ko."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: