John Estrada, itinangging habulin siya ng mga babae: "Hindi talaga"

John Estrada, itinangging habulin siya ng mga babae: "Hindi talaga"

- Inalmahan ni John Estrada ang mga nagsasabing habulin siya umano ng mga babae

- Katunayan, hindi nga raw niya alam ang kahulugan ng salitang habulin

- May iba siya umanong pagkakakilala sa sarili dahilan para isipin ng iba na lapitin siya ng mga kababihan

- Matatandaang makailang beses na napabalitang tila nagkakalabuan na sila ng kanyang asawang si Priscilla Meirelles

Sa masasabing kauna-unahang pagkakataon, sinagot ni John Estrada ang mga paratang sa kanya ng marami na tila habulin siya ng mga kababaihan.

John Estrada, inalmahan ang sinasabi umano ng marami na habulin siya ng babae
John Estrada, inalmahan ang sinasabi umano ng marami na habulin siya ng babae (@johnestrada_)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa programa nitong Rated K, nausisa si John Estrada kung paano niya tinatanggap ang pagiging lapitin umano ng mga babae.

"I don't consider myself habulin, alam ko lang medyo friendly ako," sagot ni Estrada.

Ayon sa aktor, hindi niya iniisip ang sarili bilang isang taong habulin ngunit kinikilala niyang medyo friendly siya sa kanyang pakikitungo sa ibang tao.

Read also

Sarina Hilario, kinagiliwan habang sumasabay sa paborito niyang kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Estrada na ang pagiging friendly at approachable ay bahagi ng kanyang natural na ugali. "Siguro, dahil lang sa likas kong pakikisalamuha sa mga tao at ang pagiging bukas ko sa mga bagong kaibigan," dagdag niya.

Para kay Estrada, ang pagiging friendly ay isang aspeto ng kanyang personalidad na kung saan wala umanong masamang tinapay sa kanya ang sinuman na kanyang nakikilala.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Korina mula sa YouTube channel na Rated Korina:

Si John Estrada ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na may malawak na karanasan sa larangan ng telebisyon at pelikula. Katunayan, aktibo pa rin si John sa teleseryeng Batang Quiapo kung saan ginagampanan niya ang karakter bilang si Rigor.

Taong 2011, ikinasal siya sa isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen na si Priscilla Meirelles at nabiyayaan sila ng isang anak. Noong nakaraang taon, matatandaang naging usap-usapan ang kabi-kabilang posts umano ni Priscilla na pilit na naiuugnay 'di umano sa pinagdaraanan nilang pagsubok ng asawa niyang si John. Gayunpaman, marami ang natuwa nang tila nalampasan ito ng mag-asawa nang makitang magkasama muli ang dalawa, at kanilang pamilya.

Read also

Melai, tinodo ang pagiging fan girl: "Nakalimutan ko na may asawa ako ui!"

At halos kamakailan lamang, muling umugong ang nababalitang pagkakalabuan ng dalawa nang magbanggit ng pangalan ng isang babae si Priscilla na kasama 'di umano ni John sa isang lugar. Nagkataong wala si Priscilla noon sa Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: