Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya

Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya

- Sinupalpal ni Chie Filomeno ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang pangangatawan

- Ibinahagi ni Chie ang kanyang photo sa Instagram na umani ng papuri at kritisismo mula sa netizens

- Muling ibinahagi ni Chie ang kanyang pahayag laban sa body shaming at tinuligsa ang panghuhusga ng mga tao

- Binibigyang-diin ni Chie na mahalaga ang self-love at pagtanggap sa sariling anyo

Hindi pinalampas ng Kapamilya star na si Chie Filomeno ang mga negatibong komento ng isang netizen na pumuna sa kanyang pangangatawan matapos niyang mag-post ng photo sa Instagram.

Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya
Chie Filomeno, sinagot ang netizen na nagtanong kung anorexic ba sya
Source: Instagram

Sa larawan, suot ni Chie ang isang two piece swimwear na nagpapakita ng kanyang seksing kurbada. Kasabay ng larawan, naglagay ang aktres ng caption na, "Maayong udto, Cebu," na sinamahan pa ng coconut tree emoji.

Bagama't marami ang pumuri sa kanyang alindog, may ilan ding hindi nakapigil na kwestiyunin ang kanyang itsura. Isang netizen ang nagtanong, "Genuine question, anorexic ba siya?" na agad namang sinagot ni Chie ng, "Genuine answer nope. Tao po ako."

Read also

Jhong Hilario, nakatanggap ng "highest merits" sa pagtatapos nya ng Masters degree

Hindi rin nakaligtas sa pang-aalipusta ang shared post ng ABS-CBN News tungkol sa mga larawan ni Chie mula sa Cebu. Isang netizen ang nagkomento, "Grabe namang ribs yan, kulang nalang BBQ sauce eh," habang ang isa pa'y nagsabing, "Magpalaman ka naman ng kaunti Chie, kita na ribs ay."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng body shaming si Chie. Noong 2018, nakatanggap rin siya ng mga panghuhusga mula sa mga netizens kaugnay ng kanyang cosmetic enhancement. Dahil dito, muli niyang ibinahagi ang kanyang naging pahayag noon sa Instagram upang ipaalala sa lahat ang masamang epekto ng body shaming sa mental health ng isang tao.

Malinaw na hindi basta-basta magpapadala si Chie sa mga mapanghusgang komento at patuloy niyang isusulong ang mensahe ng self-love at pagtanggap sa sarili.

Read also

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime. Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati.

Kamakailan ay nag-post si Chie ng picture niya suot ang kanyang gown sa Preview Ball. Kabilang ang kaibigan niyang si Barbie Imperial sa mga nagkomento sa kanyang post. Inasar siya ni Barbie na hindi nito kayang sumakay sa motor dahil sa suot. Sagot naman ni Chie ay hindi sigurado si Barbie kung hindi ba talaga niya kayang gawin iyon. Dagdag pa niya mag-aangkas pa siya.

Naging usap-usapan din ang patutsadahan nina Chie at ni Valentine Rosales sa FB page ng Manila Bulletin. Ito ay matapos mag-post ng isang lathala kaugnay sa Driver’s License at passport picture ni Chie. Matapos mag-komento ni Valentine ay hindi nakapagpigil si Chie na sumagot. Hindi dito natapos ang sagutan nila matapos sumagot uli ni Valentine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate