Candy Pangilinan, kinailangang mag-isolate dahil tinamaan siya ng shingles

Candy Pangilinan, kinailangang mag-isolate dahil tinamaan siya ng shingles

- Binahagi ni Candy Pangilinan ang video ng kanyang pag-isolate dahil nagkaroon siya ng shingles

- Kinailangan niyang mag-isolate upang hindi makahawa sa kanyang mga kasama sa bahay

- Aminado siyang nag-alala siya para sa anak na si Quintin kapag makita siya nito na may bandage sa mukha dahil sa shingles kaya hindi siya nagpapakita

- Pinakita ni Candy ang naging progress niya habang nasa isolation

Ibinahagi ng aktres na si Candy Pangilinan ang isang video na nagpapakita ng kanyang pag-isolate matapos siyang tamaan ng shingles. Kinailangan niyang mag-isolate upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa kanyang mga kasama sa bahay. Ayon kay Candy, nag-aalala siya para sa kanyang anak na si Quintin, lalo na kapag makita siya nito na may bandage sa mukha dahil sa shingles, kaya hindi muna siya nagpapakita.

Candy Pangilinan, kinailangang mag-isolate dahil tinamaan siya ng shingles
Candy Pangilinan, kinailangang mag-isolate dahil tinamaan siya ng shingles
Source: Youtube

Sa video, pinakita ni Candy ang naging progreso niya habang nasa isolation. Pinaliwanag din niya kung gaano kaseryoso ang sakit na ito at ang posibilidad na magdulot ito ng pangmatagalang epekto. Dahil dito, hinikayat niya ang mga tao na magpabakuna laban sa shingles upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Read also

Pia Wurtzbach, nagbahagi ng bagong post suot ang ini-endorsong mamahaling kwintas

Ayon sa WebMD, ang shingles ay isang viral infection na sanhi ng varicella-zoster virus, ang parehong virus na nagdudulot ng chickenpox. Ito ay nagdudulot ng masakit na rash na maaaring magtagal ng ilang linggo, at sa ilang kaso, maaari itong magresulta sa pangmatagalang pananakit na tinatawag na postherpetic neuralgia.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.

Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.

Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate