Jessy Mendiola, masayang natupad ang childhood dream niyang mag-aral ng ballet

Jessy Mendiola, masayang natupad ang childhood dream niyang mag-aral ng ballet

- Masaya si Jessy Mendiola dahil natupad ang kanyang pangarap na mag-aral ng ballet

- Aniya, noong bata pa siya ay hindi nila kayang magbayad para sa mga ballet lessons

- Ngayon, kahit may edad na siya ay sinimulan niyang tuparin ang kanyang pangarap

- Excited siyang makasayaw ang kanyang anak na si Rosie bilang isang "ballerina momma"

Masaya at puno ng kagalakan ang aktres na si Jessy Mendiola matapos matupad ang isa sa kanyang mga pangarap mula pagkabata—ang mag-aral ng ballet. Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Jessy ang kanyang kwento kung paano siya nagsimulang mangarap na maging ballerina.

Jessy Mendiola, masayang natupad ang childhood dream niyang mag-aral ng ballet
Jessy Mendiola, masayang natupad ang childhood dream niyang mag-aral ng ballet
Source: Instagram

Ayon kay Jessy, noong bata pa siya, hindi nila kayang magbayad para sa mga klase sa ballet. Ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanya. "I remember watching other kids in their ballet outfits during a class at a dance studio in a mall in Makati. I kept telling myself, 'one day, magagawa rin kita,'" pagbabalik-tanaw ni Jessy.

Read also

Ogie Alcasid, emosyonal nang purihin at ipagtanggol ni Regine

Ngayon, kahit may edad na, hindi naging hadlang kay Jessy ang pag-abot sa kanyang pangarap. "I keep telling myself that it’s never too late (or I’m never too old) to start something I’ve always wanted to do since I was a kid," ani pa niya.

Sa kabila ng mga taon na lumipas, pinatunayan ni Jessy na hindi pa huli ang lahat para subukan ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. "Here’s to trying new things no matter how old (or late) you are, the most important thing is that you are happy and you are still willing to learn after all these years," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Excited din si Jessy sa mga susunod na kabanata ng kanyang buhay bilang isang "ballerina momma," at inilahad ang kanyang pananabik na makasayaw kasama ang kanyang anak na si Rosie.

Read also

Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Naibahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate