Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie

Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie

- Nagbigay mensahe si Regine Velasquez sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie Alcasid

- Nilinaw ni Regine ang haka-hakang ito nang bumisita sila ni Nate sa It's Showtime para sa kaarawan ni Ogie

- Idinetalye rin niya ang dahilan kung bakit imposibleng mangyari ang mga napapabalitang ito

- Katunayan, kahit wala umanong perpekto sa mundo, nasabi ni Regine na tila perpekto na ang pagsasama nila ni Ogie

Makulit ngunit makabuluhang mensahe ang inilahad ni Asia's Songbird, Regine Velasquez para umano sa mga nagpapakalat ng fake news na hiwalay na talaga sila ng mister na si Ogie Alcasid.

Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie
Regine, may mensahe sa umano'y nagpapakalat na hiwalay na sila ni Ogie (@ogiealcasid)
Source: Instagram

Sinamantala niya ang pagkakataong nakabisita sila ng anak na si Nate sa It's Showtime para sa birthday celebration doon ni Ogie, kung saan doon niya nagbigay reaksyon sa naturang haka-haka.

"By the way, gusto ko lang semplakin yung nagsasabi na naghiwalay kami. Maghintay ka diyan ah, maghintay ka. Kasi alam niyo mga kaibigan as you all know, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is. Pero 'yung may mga tao pa na who's trying to make it more difficult for us, hindi po 'yun maganda. Parang pinapanalangin niyo na magkahiwalay kami," ani Regine.

Read also

Ogie Alcasid, emosyonal nang purihin at ipagtanggol ni Regine

"Hindi po kami maghihiwalay everr! Because we love each other. Our marriage is not perfect, it's not. But for me it is, really. It's not perfect. Syempre, may mga issue issue ganu'n naman (talaga). Pero gusto ko lang sabihin na napakabait ng asawa ko. Alam niyo pano ko alam na mabait siya? He is God-centered. Ang focus niya kay God, marami siyang ginagawa pero ang focus niya na kay God pa rin," pagpapatuloy pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag din niya na dahil sa pagiging mabuting tao ni Ogie na mayroong takot sa Diyos, sila ng kanyang anak ang labis na nabibiyayaan ng kabutihang ito.

"Ako po 'yung nagbe-benefit doon. Kasi, dahil mahal na mahal niya ang Panginoon, mabait at mabuti siyang asawa at ama sa aming mga anak."

Read also

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

"So please kung may makita kayong anything, mga writeups, please 'wag niyong paniwalaan. Nakikita niyo naman kami sa aming mga social media and we are very close. He's my best friend. I hope I'm his best friend too," pakiusap pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN News YouTube:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Masaya ang mga fans ni Regine gayung araw-araw nila itong napapanood sa Magandang Buhay kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco. Matatandaang sa programa nilang ito unang natawag ni Regine si Melai bilang 'Asia's comedy queen'.

Matatandaang inamin ni Regine na siya umano'y nahihiya nang mabalitaang mayroon umanong petisyon na gawin siyang national artist. Aniya, marami pa umanong nararapat na mauna nitong bigyan at hiling niyang maigawad ito habang nabubuhay pa ang mga taong natukoy niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica