Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey

Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey

- Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Vice Ganda sa mga hosts ng "Showtime Online U" sa kanilang dedikasyon at sakripisyo

- inigyang-diin ni Vice na malaki ang kontribusyon ng mga hosts sa pagpapanatili ng sigla ng programa kahit na maliit ang kanilang sahod

- Partikular niyang pinasalamatan si Ana Ramsey na ngayon ay lumipat na sa "Wil to Win" at hinikayat itong ipagpatuloy ang pagiging mahusay

- Sinabi ni Vice Ganda na patuloy nilang susuportahan si Ana Ramsey sa bagong yugto ng kanyang karera

Nagbigay ng taos-pusong mensahe si Vice Ganda para sa mga hosts ng "Showtime Online U," kabilang na ang dating host na si Ana Ramsey, na ngayon ay lumipat na sa "Wil to Win."

Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey
Vice Ganda, may mensahe para sa dating Showtime Online U host na si Ana Ramsey
Source: Youtube

Sa kanyang pahayag, ipinaabot ni Vice Ganda ang kanyang malalim na pasasalamat sa lahat ng hosts na walang sawang nagbigay ng kanilang dedikasyon para sa ikatatagumpay ng programa. Ayon kay Vice, mahalaga ang ginagampanan ng mga hosts sa pagbibigay-buhay sa "Showtime Online U," lalo na sa mga pagkakataong dumadaan ito sa pagsubok.

Read also

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak

Binigyang-diin ni Vice Ganda ang sakripisyong ibinibigay ng mga hosts, kahit na hindi kalakihan ang kanilang sahod. Sa kabila nito, aniya, ay patuloy silang nagpapakita ng mahusay na paghohost at sinisigurong maayos ang takbo ng programa.

Ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat dahil sa kanilang tulong, nagiging mas matatag ang programa sa kabila ng mga hamon. Ayon pa sa kanya, malaking bagay ang ginagawa ng mga hosts.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Partikular na nagbigay ng espesyal na mensahe si Vice Ganda kay Ana Ramsey, na naging bahagi ng "Showtime Online U" bago lumipat sa "Wil to Win."

"Kay Ana Ramsey maraming maraming salamat. You did so good. Ang galing-galing mo kaya magpaka-galing ka diyan. At papalakpakan ka namin. We are rooting for you Ana Ramsey."

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Vice Ganda, kinuntsaba ang mga kapatid para i-prank si Nanay Rosario

Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig. Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya. Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din.

Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit. Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa "It's Showtime". Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate