Andrea Brillantes, inamin ang aniya'y 'most difficult scenes to perform'

Andrea Brillantes, inamin ang aniya'y 'most difficult scenes to perform'

- Inamin ni Andrea Brillantes na isa sa pinakamahirap na eksena niya ay ang sampalan nila ni Dimples Romana

- Ibinahagi niya ang kanyang karanasan at sinabi na unang beses niyang makasampal ng isang beteranang aktres

- Sinabi ni Andrea na bahagi ito ng trabaho bilang aktor upang mabigyan hustisya ang mga karakter

- Nagpahayag din si Dimples ng suporta at pinuri ang performance ni Andrea sa kanilang eksena

Inamin ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na isa sa pinakamahirap na eksenang kanyang nagampanan bilang aktres ay ang sampalan nila ng beteranang aktres na si Dimples Romana. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Andrea ang kanyang karanasan, at kung gaano ito naging espesyal sa kanya.

Andrea Brillantes, inamin ang aniya'y 'most difficult scenes to perform'
Andrea Brillantes, inamin ang aniya'y 'most difficult scenes to perform'
Source: Instagram

"Grabe, it’s my first time ever to ever sampal a veteran actress like Ate Dimples Romana, and wow, what an honor! Before, I was always the one getting slapped in Kadenang Ginto, at ngayon nakabawi na din ako… CHAROT LANG ATE! I LOVE YOU SO SO MUCH 😭😰😣😇," ani Andrea.

Read also

Heart Evangelista, sinagot ang isyu tungkol sa pinasuot na alahas sa kanyang aso

Pinasalamatan din ni Andrea si Dimples sa kanyang post, at binanggit na bahagi talaga ng trabaho ng isang aktor ang magbigay hustisya sa mga karakter at maghatid ng mga eksenang inaabangan ng mga manonood. Ani pa niya, "The long-awaited war between Tori and Sky has begun! Please stay tuned until the very end of the LAST 2 WEEKS of High Street!"

Samantala, hindi rin nagpaiwan si Dimples Romana sa pagpapahayag ng kanyang saloobin ukol sa eksenang ito. Tugon niya, "My Marga, all the Mondragon training did you sooo good and it bit me right in the 🍑 😂🥹 it was painful, and memorable and sooo good all at the same time. And I wouldn’t want it any other way. Here’s to more for you and for us 👏👏👏BRAVA."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Claudine Barretto, magsasalita sa isyu ng pera ng fans nya na diumano’y naloko

Malinaw na kahit mahirap, naging makabuluhan para sa dalawa ang kanilang eksena, na tiyak na mag-iiwan ng marka sa mga manonood.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate