Priscilla Meirelles, nabiktima ng snatcher sa loob ng isang grocery store sa BGC
- Nabiktima ng snatcher si Priscilla Meirelles sa loob ng isang grocery store sa BGC
- Nakuha raw mula sa kanyang bag ang cellphone ng kanyang anak habang siya ay naghihintay sa pila
- Agad siyang nagtungo sa police station ng Taguig upang i-report ang insidente at ipa-blotter ang mga suspek
- Pinaalalahanan ni Priscilla ang publiko na maging maingat kahit sa loob ng mga establisyemento tulad ng mall at grocery store
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni Priscilla Meirelles ang insidente sa pamamagitan ng isang Facebook Live, kung saan idinetalye niya kung paano nakuha mula sa kanyang bag ang cellphone ng kanyang anak na si Anechka habang siya ay naghihintay sa pila sa cashier.
Ayon kay Priscilla, hindi niya inaasahan na sa isang lugar tulad ng BGC, na kilala bilang isa sa mga pinakaligtas na lugar sa Metro Manila, ay maaari pa rin siyang maging biktima ng snatching.
Habang abala siya sa pag-aasikaso ng mga pinamili, napansin ng anak niya na bukas ang kanyang bag at nang hingiin nito ang cellphone niya ay wala na sa bag ni Priscilla. Inamin niyang naging kampante siya, na nagdulot ng pagkakataon para sa mga magnanakaw na maisagawa ang kanilang plano.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agad na nagtungo si Priscilla sa police station ng Taguig upang i-report ang insidente at ipa-blotter ang mga suspek. Ayon sa kanya, mayroong mga CCTV footage mula sa grocery store na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng mga magnanakaw.
Dagdag pa niya, nakuhanan din niya ang mga ito sa kanyang vlog, kung saan makikita ang mga kahina-hinalang kilos ng dalawang suspek na lumapit sa kanya habang isang matandang babae ang tila nagpapanggap na naglalakad pabalik-balik sa paligid.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Priscilla ang publiko na maging maingat, kahit na sa loob ng mga establisyemento tulad ng mga mall at grocery store. Aniya, nakakalungkot isipin na dati ay nararamdaman niyang ligtas siya, ngunit ngayon ay hindi na ganoon ang kanyang pananaw matapos ang nangyari.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang mapanagot ang mga responsable.
Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.
Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.
Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh