Heart Evangelista, sinagot ang isyu tungkol sa pinasuot na alahas sa kanyang aso

Heart Evangelista, sinagot ang isyu tungkol sa pinasuot na alahas sa kanyang aso

- Sinagot ni Heart Evangelista ang isyu tungkol sa luxury necklace na isinuot niya sa kanyang aso na si Panda

- Ipinahayag niya sa isang TikTok Live na siya at si Panda ang may-ari ng kuwintas kaya may karapatan silang gawin ang anumang nais nila rito

- Hindi direktang inaddress ni Heart ang isyu ng netizens tungkol sa kanilang dalawa ni Pia Wurtzbach

- Matatandaang pinuna ni Direk Daryl Yap ang tungkol sa pagpapasuot niya ng alahas sa kanyang asong si Panda kamakailan

Nagsalita na si Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista tungkol sa kontrobersyal na luxury necklace na isinuot niya sa kanyang alagang aso na si Panda, na ineendorso naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Heart Evangelista, sinagot ang isyu tungkol sa pinasuot na alahas sa kanyang aso
Heart Evangelista, sinagot ang isyu tungkol sa pinasuot na alahas sa kanyang aso
Source: Instagram

Sa isang TikTok Live, malinaw na sinabi ni Heart na siya at si Panda ang may-ari ng kuwintas kaya may kalayaan silang gawin ang anumang nais nila rito.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

"I own the necklace, you know, I can do whatever I want and pull it out," ani Heart habang umiinom mula sa isang mamahaling mug. Dagdag pa niya, "Basically Panda owns the necklace..."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman direktang inaddress ni Heart ang isyu ng netizens tungkol sa kanilang dalawa ni Pia. Gayunpaman, naging usap-usapan ang post ni Heart matapos mapuna ng netizens lalo na ni Direk Daryl Yap ang tungkol sa pagpapasuot niya ng alahas sa aso niyang si Panda.

Alam ng maraming tagahanga ng showbiz at fashion na nagkaroon ng tahimik na tensyon sa pagitan nina Heart at Pia. Ang kasalukuyang glam team ni Pia ay dati nang nagtrabaho kay Heart.

Ilang buwan na ang nakalilipas, si Pia ay itinalaga bilang bagong brand ambassador ng Bvlgari sa Pilipinas. Ibinahagi ng Vogue Philippines ang isang litrato ni Pia Wurtzbach na suot ang sikat na Serpenti necklace at iba pang mga alahas ng brand.

Read also

Nora Aunor, idinetalye paano siya nawalan ng boses: "Para bang sinadya"

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate