Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang"

Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang"

- Inalala ni Miss Catering ang umano'y trabaho na naipangako sa kanya ni Karla Estrada

- Taong 2020, nakapanayam si Miss Catering sa programang 'Magandang Buhay' kung saan host pa noon si Karla

- Ipinaliwanag din ni Miss Catering bakit sa tingin niya'y hindi ito natuloy

- Gayunpaman, isa na siya ngayon sa mga kinagigiliwang content creator sa social media

Naidetalye ni Miss Catering kung ano na nga ba ang nagyari sa ipinangako noong trabaho sa kanya ni Karla Estrada.

Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang"
Miss Catering sa naipangakong trabaho sa kanya ni Karla Estrada: "Hinayaan ko nalang" (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ipinaalala nito ang tungkol sa pagiging personal assistant sana niya ng ina ni Daniel padilla.

"'Nung time kasi na 'yun, nung in-interview ako, mga 3 days nagsara na ang ABS-CBN. Nag-stop. Kaya parang, wala na hinayaan ko nalang. Pero may ipinangako siya na kukunin niya akong PA pero walang nangyari," paliwanag ni Miss Catering.

Read also

Rosmar kay Chloe: "Di na niya kasalanan na sobrang proud sa kanya boyfie niya"

"Nagkita nga kami dito sa lugar namin, hindi ko alam kung naalala niya ako. Wala, hindi naman ako nagkaroon ng galit," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katunayan, nagbiro pa ito na si Karla na lamang umano ang bibigyan niya ng trabaho.

"Kung gusto niya, siya nalang kunin kong PA", natatawang nasabi ni Miss Catering.

Hindi man siya nakuha ni Karla Estrada, masasabing unti-unti namang naisasakatuparan ni Miss Catering ang mga pangarap niya sa buhay lalong-lalo na para sa kanyang pinakamamahal na ina.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Amor Carias o mas kilala bilang si Miss Catering ay isa sa mga sumisikat na content creator ngayon sa bansa. Una siyang kinagiliwan nang sabihin niya sa kausap na foreigner na "I'm catering to my mother who is sick" na ang ibig sabihin ay nagpapakain umano siya sa inang may sakit. Mula noon, parami na nang parami ang tumatangkilik sa kanya.

Read also

Ogie D, nausisa si Gerald ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia

Tulad ni Miss Catering, isa rin Kier Garcia o mas kilala bilang si Fhukerat sa mga kinagigiliwang TikTok stars ngayon, sa panayam naman sa kanya ni toni Gonzaga, doon niya naikwento kung bakit ang madalas niyang content ay ang pagmumukbang at inaalok niya ng pagkain ang mga taong nasa paligid niya.

Doon din naikwento ni Kier ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kuya na siyang tumulong at sumuporta sa kanyang pagiging isang content creator.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica