Ryza Cenon, naghayag ng saloobin sa kinalabasan ng pinagawang bahay: "Parang hindi sya new house"

Ryza Cenon, naghayag ng saloobin sa kinalabasan ng pinagawang bahay: "Parang hindi sya new house"

- Nagbahagi ng house tour si Ryza Cenon sa pinagawa nilang bahay

- Ito ang una nilang family home kaya naman gumastos daw sila nang todo para dito

- Gayunpaman, aminado si Ryza na hindi sila masyadong masaya sa kinalabasan ng kanilang bahay dahil hindi daw pulido ang pagkakagawa

- Aniya, natagalan ang kanyang pag house tour dahil kinailangan nilang tumira sa ibang lugar tuwing may problema at kailangang ayusin ng contractor

Ibinahagi ni Ryza Cenon ang kanyang karanasan at saloobin sa naging resulta ng kanilang bagong bahay sa isang house tour video.

Ryza Cenon, naghayag ng saloobin sa kinalabasan ng pinagawang bahay: "Parang hindi sya new house"
Ryza Cenon, naghayag ng saloobin sa kinalabasan ng pinagawang bahay: "Parang hindi sya new house"
Source: Youtube

Una nilang family home ang bahay kaya't gumastos sila nang todo upang matiyak na magiging maganda at maayos ito. Gayunpaman, aminado si Ryza na hindi sila masyadong masaya sa kinalabasan ng kanilang bahay dahil sa hindi pulido ang pagkakagawa.

Aniya, natagalan ang kanyang pag house tour dahil kinailangan nilang tumira sa ibang lugar tuwing may problema at kailangang ayusin ng contractor. Hindi naman daw sila tinakbuhan ng contractor at inaayos naman ang anumang kailangang ayusin.

Read also

ToRo Family, nagbahagi ng video kung saan tinikman nila ang gatas ni Papi Galang

Ngunit dahil sa mga bakas at hindi malinis na gawa, nagmukha daw renovated lang ang kanilang bahay at hindi bagong bahay. Payo ni Ryza sa mga magpapagawa ng bahay ay maging mapanuri sa kukuning contractor upang maiwasan ang mga ganitong problema.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.

Kamakailan ay binahagi ni Ryza ang naging reaksiyon ng anak niya sa binili niyang inflatable costume. Makikita sa kanyang post na tila natatakot ito at naiyak sa kanyang suot kung saan mukha siyang nakasakay sa isang dinosaur. Ayon naman kay Ryza, inakala niya umanong magugustuhan ng anak ang kanyang biniling costume. Bibili na lang din daw siya ng costume na para sa kanya para makita ng anak na costume lang iyon at hindi na ito matakot.

Matatandaang kamakailan ay kinawindang ni Ryza ang natanggap na water bill dahil umabot ito sa mahigit P120,000. Aniya, nawawala pa ang suplay ng tubig sa kanila pagdating ng alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga. Mahina din umano ang tubig nila mula alas 5 hanggang alas 9 nang umaga kaya ipinagtataka niya ang bayarin nila sa tubig. Humingi siya ng paliwanag mula sa service provider ng tubig sa kanilang lugar kaugnay sa di kapani-paniwalang water bill niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate