Vhong Navarro, kinaaliwan sa kanyang 'Pantropiko' dance

Vhong Navarro, kinaaliwan sa kanyang 'Pantropiko' dance

- Muling kinaaliwa si Vhong Navarro sa kanyang swabeng dance moves sa It's Showtime ngayong araw

- Matapos makatanggap ng 'funishment' sa kanilang segment na 'Bata Bata Pick,' suot ni Vhong ang damit ni Cianne Dominguez hanggang matapos ang show

- Pabiro pang sinabi ni Vhong na ayos lang siya pero may sasaktan siya pagtapos ng show at ito ay ang nakabunot sa pangalan niya na naging dahilan ng pagtanggap niya ng funishment at ito ay si Ryan Bang

- Hindi naman inatrasan ni Vhong ang hamon na sumayaw siya ng Pantropiko

Matapos makatanggap ng 'funishment' sa kanilang segment na 'Bata Bata Pick,' napili si Vhong na magsuot ng damit ni Cianne Dominguez. Kahit na medyo hindi komportable sa suot, game na game pa rin si Vhong sa pag-host hanggang sa matapos ang show.

Vhong Navarro, kinaaliwan sa kanyang 'Pantropiko' dance
Vhong Navarro, kinaaliwan sa kanyang 'Pantropiko' dance
Source: Youtube

Sa segment na 'Bata Bata Pick,' ang mga hosts at participants ay kailangan pumili ng pangalan mula sa isang bowl. Ang mapipili ay kailangang sumailalim sa isang 'funishment' o isang nakakatuwang parusa kapag hindi nagawa ng batang napili ang hamon.

Read also

Vice Ganda, nakabawi na ng physical hosting kay Vhong Navarro

Sa pagkakataong ito, si Ryan Bang ang nakabunot ng pangalan ni Vhong, kaya't siya ang naging dahilan kung bakit si Vhong ay kailangan magsuot ng damit ni Cianne.

Pabiro pang sinabi ni Vhong na ayos lang siya pero may sasaktan siya pagkatapos ng show. Ang tinutukoy niya ay si Ryan na agad namang naki-ride sa biro at tumawa kasama ang lahat.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman inatrasan ni Vhong ang hamon na sumayaw ng Pantropiko. Sa katunayan, isa sa naging highlight ng show ang kanyang performance. Sa kanyang swabeng dance moves, muling pinatunayan ni Vhong kung bakit siya minamahal at inaabangan ng mga tagasubaybay ng It's Showtime.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Read also

TVJ, pinaliwanag bakit wala sa big venue ang 45th anniversary ng Eat Bulaga

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate