Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak

Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak

- Sa mga huling post ni Alexa Gutierrez bago siya pumanaw, nagbahagi siya tungkol sa pagpasok niya sa mga anak sa isang personality development training center

- Ilan daw sa mga dailan kung bakit nila pinasok ang mga anak na sina Aria at Ezra sa naturang center ay para malinang ang kanilang Social skills, self presentation, confident communication, social graces at personal growth

- Kabilang sa nagkomento sa kanyang post ay si Ruffa Gutierrez at sinagot ni Alexa si Ruffa na ito daw ay 'best decision ever'

- Ngayong araw ay inihayag ni Ruffa ang kalungkutan sa pagpanaw ni Alexa na kanyang sister-in-law

Sa kanyang mga huling post sa social media bago siya pumanaw, ibinahagi ni Alexa Gutierrez ang desisyon niyang ipasok ang kanyang mga anak na sina Aria at Ezra sa isang personality development training center. Ayon kay Alexa, ginawa nila ito upang matulungan ang kanyang mga anak na malinang ang kanilang social skills, self presentation, confident communication, social graces, at personal growth.

Read also

Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan

Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak
Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak
Source: Instagram

Aniya, mahalaga ang mga kasanayang ito para sa kanilang hinaharap at magiging kapaki-pakinabang sa kanilang personal na pag-unlad.

Isa sa mga nagkomento sa kanyang post ay si Ruffa Gutierrez, na kanyang sister-in-law. Ayon sa kanilang palitan ng mensahe, sinabi ni Alexa na ang pagpapasok ng kanyang mga anak sa nasabing training center ay ang 'best decision ever'.

Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak
Alexa Gutierrez, nagawa ang aniya'y 'best decision' para sa kanyang mga anak
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngayong araw, matapos pumanaw si Alexa, ipinahayag ni Ruffa ang kanyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang sister-in-law. Ayon kay Ruffa, labis ang kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ni Alexa, na inilarawan niya bilang beautiful at irreplaceable.

Matatandaang ilang buwan nang humihiling ng panalangin ang pamilya Gutierrez para kay Alexa, na matagal nang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Sa kabila ng kanyang sakit, patuloy na nanatiling positibo at malakas si Alexa, at ipinakita niya ang kanyang pagmamahal at dedikasyon para sa kanyang mga anak at asawa hanggang sa huling sandali.

Read also

Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

Si Ruffa Gutierrez o mas kilala bilang si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa totoong buhay ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa.

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate