Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan

Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan

- Nagbahagi si Claudia Barretto ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan

- Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga karanasan ng nakaraang taon

- Kasama sa kanyang post ang litrato ng isang sulat at mga bulaklak na natanggap niya

- Marami ang naantig sa kanyang mga salita at nagpadala ng kanilang pagbati at suporta

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagbahagi ng isang makahulugang mensahe si Claudia Barretto. Sa kanyang social media post, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga karanasan ng dumaang taon.

Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan
Claudia Barretto, nagbahagi ng makahulugang mensahe sa kanyang kaarawan
Source: Instagram

Sinabi ni Claudia na siya ay nagpapasalamat sa isa pang taon ng mga karanasan, puno ng kaligayahan, mga aral na natutunan, at pati na rin mga sakit ng kalooban na humubog sa kung sino siya ngayon. Idinagdag niya na ang mga sakit ng kalooban, kahit masakit, ay nagpalalim sa kanyang pang-unawa sa pag-ibig. Ayon pa sa kanya, natutunan niya na walang kadiliman na hindi kayang mapawi ng kahit pinakamahinang sinag ng liwanag. Puno siya ng pasasalamat sa maliliit na bagay.

Read also

Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

Thankful for another year of experiences, filled with moments of joy, lessons learned, and even heartaches that have shaped who I am today. The heartaches, though painful, have only deepened my understanding of love. I now know with certainty that no darkness exists that cannot be expelled by the faintest spark of light. Feeling extra grateful for the little things

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalakip ng kanyang mensahe ay isang litrato ng sulat na kanyang natanggap at mga bulaklak. Marami ang naantig sa kanyang mensahe at nagpadala ng kanilang pagbati at suporta sa comment section ng kanyang post.

Si Claudia Barretto ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas. Siya ay nagmula sa prominenteng Barretto family. Bukod sa pagiging isang singer at aktres, siya rin ay kilala sa social media. Si Claudia ay anak ni Marjorie Barretto at kapatid ni Julia Barretto, na kapwa rin mga sikat na artista sa Pilipinas.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Si Claudia ay kamakailan lamang nagbahagi ng bagong video sa kanyang Instagram feed. Sa nasabing clip, ipinakita ng niya kung paano niya ginagawa ang kanyang "everyday makeup look." Hindi nagtagal at naging viral ito at nakatanggap ng positibong mga komento mula sa mga netizen. Karamihan sa mga nagkomento ay humanga sa natural na kagandahan ni Claudia.

Marami ang na-inspire ni Julia Barretto sa kanyang panayam sa 'Toni Talks.' Ang aktres ay nagbahagi ng kanyang mga karanasan sa buhay habang kinakapanayam ni Toni Gonzaga. Bukod pa rito, kamakailan lamang ay nag-post ang kapatid ni Julia na si Claudia sa Instagram tungkol sa panayam. Sinamahan ni Claudia ng isang nakaaantig na mensahe para sa kanyang kapatid ang kanyang post.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate