Kyline Alcantara at Kobe Paras, namataang kasama sina Benjie at Andre Paras

Kyline Alcantara at Kobe Paras, namataang kasama sina Benjie at Andre Paras

- Nakitang kasama ni Kyline Alcantara ang pamilya ni Kobe Paras sa isang video na ibinahagi ng TikTok user na @poppie016.16 noong Hulyo 26

- Kasama nila ang ama ni Kobe na si Benjie Paras, kapatid na si Andre Paras, at nobya ni Andre na si Honey Escarez

- Sa video, makikitang nag-holding hands sina Kyline at Kobe habang papalabas ng establisyemento

- Bagaman umiinog ang espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon, iginiit nina Kyline at Kobe sa GMA Gala na sila ay "magkaibigan" pa lamang

Patuloy na umiinit ang espekulasyon tungkol sa relasyon nina Kyline Alcantara at Ko e Paras matapos silang makita kasama ang pamilya ni Kobe. Nakunan ng video ng TikTok user na @poppie016.16 noong Biyernes, Hulyo 26, si Kyline na kasama sina Kobe, ang kanyang ama na si Benjie Paras, at kapatid na si Andre Paras. Kasama rin nila ang nobya ni Andre na si Honey Escarez.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Kyline Alcantara at Andre Paras, namataang kasama sina Benjie at Kobe Paras
Kyline Alcantara at Andre Paras, namataang kasama sina Benjie at Kobe Paras
Source: Facebook

Makikita sa video na papalabas ng isang silid ang grupo nang lapitan sila ng mga empleyado para magpa-picture. Sa isang clip, makikitang inaayos ni Kyline ang buhok ni Kobe, at nag-holding hands pa ang dalawa habang papalabas ng establisyemento kasama sina Benjie, Andre, at Escarez.

Unang kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanila noong Mayo, matapos silang makitang magkasama sa ilang pagkakataon, kabilang na ang paglabas sa Taguig, pagdalo sa isang birthday party, at sa pagbubukas ng tattoo shop ni Kobe. Nagpakita rin sila sa katatapos lang na GMA Gala.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, sa kabila ng mga spekulasyon, iginiit nina Alcantara at Kobe sa GMA Gala na sila ay "magkaibigan" pa lamang sa ngayon.

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate