Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis

- Isinapubliko ni Yam Concepcion ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Binahagi niya ang kanyang baby bump sa mga litrato kasama ang caption na "Stingrays, turtles, pigs and a bump"

- Nagpahayag ng kanyang damdamin ang asawa ni Yam na si Miguel Cuunjieng tungkol sa kanilang hinaharap na pakikipagsapalaran at katuparan ng kanyang mga pangarap

- Maraming tagahanga at kaibigan ang nagpaabot ng pagbati at suporta sa masayang balitang ito

Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Yam Concepcion ang balitang siya ay nagdadalang-tao. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Yam ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa anak nila ng kanyang asawa na si Miguel Cuunjieng.

Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis
Yam Concepcion, isinapubliko ang kanyang pagbubuntis
Source: Instagram

Maiksi lamang ang caption ng kanyang post na may mga litratong nagpapakita ng kanyang baby bump at nagsasabing, "Stingrays, turtles, pigs and a bump."

Samantala, nagpahayag ng kanyang damdamin si Miguel sa isang mensahe, kung saan sinabi niyang si Yam ay ang katuparan ng kanyang mga pangarap at sinabi niyang maswerte siya.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinahayag din niya ang kanyang excitement sa mga adventure nila sa hinaharap.

You are my dream come true, and I’ll never know how I got so lucky ❤️ I’m so excited for all our future adventures, and there’s no better way to close this chapter of our story than with this amazing week in paradise ml 😘❤️ I love you more than words can say, and I can’t wait for @tinyconcepcioncu to be a big sister

Dagdag pa ni Miguel, sabik na siyang makita si Tiny Concepcion, ang kanilang alagang asong si Tiny, na maging ate.

Maraming tagahanga at kaibigan ng mag-asawa ang nagpaabot ng pagbati at suporta sa masayang balitang ito.

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Read also

Michael De Mesa, nakauwi na matapos ma-stranded ng halos isang araw dahil sa baha

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Inalmahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate