Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala

Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala

- Kinagiliwan ng marami ang naging pagbati ni Marian Rivera kay Pokwang

- Tila hindi nito napigilan ang kanyang excitement nang makita si Pokwang bago niya ito yakapin

- Isa sa mga inaabangan ngayon ang GMA gala na dinadaluhan ng Kapuso stars at ngayon ng ilan ding mga Kapamilya

- Samantala, naghayag naman ng saloobin ang aktres na si Nadine Samonte sa sinapit sa naturang GMA gala

Naaliw ang marami sa pagkikita nina Marian Rivera at Pokwang sa GMA gala night 2024.

Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala
Marian Rivera, kinagiliwan sa pagkikita nila ni Pokwang sa GMA gala (@marianrivera)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi ng TikTok user na si Romuald John, makikita kung paano napahiyaw si Marian nang makita si Pokwang.

Ang ilang netizens nagbigay ng kani-kanilang nakatutuwang komento sa pagkikitang ito ng dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Taho vendor na sinubukang maglako sa kasagsagan ni 'Carina,' hinangaan ng marami

"Ang cute niyo po Miss Marian. Example po ito ng OA at nonchalant"
"Kahit napasigaw, napakaganda pa rin. We love you Yanyan!"
"'Yan ang gusto ko kay Marian pagdating sa kaibigan, all out talaga"
"'Yung hindi mo inaasahang makita ang beshy mo sa isang event. Ang cute!"
"Ang ganda ganda pa rin kahit napahiyaw!"
"Best combo talaga pag maganda tapos kalog pa!"
"Kahit anong gawin, ang ganda pa rin e!"

Samantala, narito ang kabuuan ng naturang video:

Ang GMA gala ay taunang pagtitipon ng mga Kapuso stars. Gayunpaman, isa ang taong ito kung saan dumalo na rin ang ilang Kapamilya stars sa nasabing event tulad ng It's Showtime hosts at maging si Enchong Dee.

Samantala, gumulantang sa publiko ang pagdedetalye ng Kapuso actress na si Nadine Samonte matapos mawala umano ang kanyang pangalan sa assigned tables sa GMA gala. Ayon kay Nadine, nakatanggap umano siya ng imbitasyon at agad na nag-RSVP bilang tugon.

Read also

Rosmar, binuksan ang kanyang farm para sa mga nasalanta ni Carina: "Libre lang po"

Isang taon niya umanong pinaghandaan ang naturang pagtitipon ngunit hindi inaasahang makaramdam siya ng pagkaawa sa sarili matapos mailagay sa mesang wala halos tao at nasa pinakadulo na ng venue. Maging ang kanyang glam team ay hayagang naglabas ng saloobin sa nangyaring ito.

Gayunpaman, malaki pa rin umano ang pasasalamat ni Nadine na naimbitahan siya sa GMA gala. Lalo na at mayroon din siyang ipalalabas na teleserye hudyat na aktibo pa rin siya bilang isang Kapuso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica