Ka-double ni Kim Domingo, umalma matapos pagtripan ng netizens ang kanyang itsura

Ka-double ni Kim Domingo, umalma matapos pagtripan ng netizens ang kanyang itsura

- Umalma ang ka-double ni Kim Domingo sa "FPJ's Batang Quiapo" at naglabas ng saloobin matapos pagdiskitahan ang kanyang hitsura

- Ayon sa kanya, may isang post mula sa isang hindi kilalang FB page na pinagtatawanan ang kanyang itsura sa eksena ng laban nina Tanggol at Madonna

- Sinabi niyang hindi siya naglalaan ng panahon sa pagbabasa ng mga negatibong komento o post na maaaring makaapekto sa kanyang mental at emosyonal na kalusugan

- Nagbigay din siya ng paalala, lalo na sa mga kabataan, na mag-isip muna bago mag-post o magkomento upang hindi makasakit ng tao

Ang ka-double ni Kim Domingo sa teleseryeng "FPJ's Batang Quiapo" ay naglabas ng kanyang saloobin matapos siyang pagdiskitahan dahil sa kanyang hitsura. Ayon kay Kayley Carrigan, may isang post mula sa isang hindi kilalang pahina na pinagtatawanan ang kanyang itsura sa eksena ng laban nina Tanggol at Madonna.

Read also

Rosmar, binuksan ang kanyang farm para sa mga nasalanta ni Carina: "Libre lang po"

Ka-double ni Kim Domingo, umalma matapos pagtripan ng netizens ang kanyang itsura
Ka-double ni Kim Domingo, umalma matapos pagtripan ng netizens ang kanyang itsura
Source: Facebook

Sinabi rin niya na siya ang ka-double ni Kim Domingo mula sa motorbike hanggang sa fight scene. Ayon pa sa kanya, hindi siya naglalaan ng panahon sa pagbabasa ng mga negatibong komento o post na maaaring makaapekto sa kanyang mental at emosyonal na kalusugan. Mas pinipili niyang mag-focus sa kanyang trabaho at sa kanyang sarili upang mapanatili ang kanyang pisikal at mental na kalusugan.Sinabi rin niya na siya ang ka-double ni Kim Domingo mula sa motorbike hanggang sa fight scene. Ayon pa sa kanya, hindi siya naglalaan ng panahon sa pagbabasa ng mga negatibong komento o post na maaaring makaapekto sa kanyang mental at emosyonal na kalusugan. Mas pinipili niyang mag-focus sa kanyang trabaho at sa kanyang sarili upang mapanatili ang kanyang pisikal at mental na kalusugan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ninong Ry, pinakita ang sitwasyon ng bahay na pinasok ng tubig baha

Nagbigay din siya ng paalala, lalo na sa mga kabataan, na mag-isip muna bago mag-post o magkomento dahil hindi nila alam kung makakasakit sila ng tao. Sa kabila ng lahat, sinabi niyang ngumingiti na lamang siya at tumitingin sa maganda at maliwanag na bahagi ng buhay.

Si Kim Domingo ay unang sumikat matapos mag-viral ang kanyang dubsmash ng awiting "Twerk It Like Miley" noong 2014. Naging bahagi siya ng GMA noong 2015 at napasama sa seryeng Juan Happy Love Story at maging sa Bubble Gang. Naging cover girl siya ng FHM Philippines noong December 2015 at January 2017.

Inalala ni Kim Domingo ang yumaong kaibigan sa mismong kaarawan ng aktres. Dinalaw ng aktres ang puntod ng kaibigan at nagdala ng bulaklak, pagkain at kandila. Ito umano ang unang kaarawan niyang wala na ang kanyang bestfriend na yumao noong 2020. Matatandaang ibinahagi ni Kim ang kwento ng pagkakaibigan nila sa loob ng 10 taon.

Read also

Ogie Diaz, pinayuhan si Willie Revillame matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya

Inalmahan naman ni Kim ang mga taong aniya ay gumagawa ng isyu kaugnay sa pila para sa ticket. Paliwanag niya, matagal na siyang nakapila nang bumalik siya pansamantala sa kanyang sasakyan dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Bumalik din siya sa pila at nang tawagin ang kanyang numero ay nagbayad siya. May mga nagsabi raw na kaya nakakuha si Kim ng ticket ay dahil artista siya gayong aniya ay pumila siya kagaya ng mga kasabayan niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate