Toni Gonzaga, binahagi ang aniya'y dahilan kung bakit naging banlag siya

Toni Gonzaga, binahagi ang aniya'y dahilan kung bakit naging banlag siya

- Nagbigay ng reaksyon si Toni Gonzaga sa pamba-bash na natanggap ni Fhukerat, na kilala rin bilang Kier Garcia, sa isang episode ng kanyang vlog

- Ipinahayag ni Toni na madalas din siyang makatanggap ng komentong "banlag," kaya't naka-relate siya sa sitwasyon ni Fhukerat

- Ayon kay Toni, ang tawag na “banlag” sa kanya ay dahil sa kanyang hosting style noong wala pang prompter, na nagdulot ng pangangailangan na magbasa gamit ang isang mata habang ang isa ay nakatingin sa camera

- Sa kanyang komento, sinabi ni Toni na ang pagiging "banlag" ay hindi dapat gawing biro at ibinahagi ang kanyang karanasan upang ipaliwanag ang isyu

Sa isang episode ng kanyang vlog, nagbigay ng reaksyon si Toni Gonzaga sa mga negatibong komentaryo na natanggap ng TikToker na si Kier Garcia, na mas kilala bilang Fhukerat. Ipinahayag ni Toni na nakakarelate sa isyu ng pamba-bash, dahil madalas din siyang makarinig ng mga komentong nagsasabing siya ay “banlag.”

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

Toni Gonzaga, naka-relate daw sa bashing kay Fhukerat: "Banlag din ako"
Toni Gonzaga, naka-relate daw sa bashing kay Fhukerat: "Banlag din ako"
Source: Youtube

Ayon pag-interview ni Toni kay Fhukerat, tinalakay nila ang mga pambabash na natamo ng TikToker mula sa netizens. Ayon kay Fhukerat, madalas siyang sinasabihan ng “banlag” sa kanyang mga video.

Binigyang-diin ni Toni ang kanyang sariling karanasan na may katulad na uri ng puna. Sa kanyang natatawang komentaryo, sinabi niya, “Sinasabihan ka ring banlag? Banlag din ako!” Ipinaliwanag ni Toni na ang tawag sa kanya na “banlag” ay dahil sa kanyang hosting.

Ayon kay Toni, noong wala pang prompter, gumagamit sila ng cartolina o manila paper na idinadikit sa tabi ng camera. Dahil dito, kailangan niyang magbasa gamit ang isang mata habang ang isa ay nakatingin sa camera, na naging dahilan kung bakit siya tinawag na “banlag” ng ilan. “Kaya ako naging banlag dahil sa hosting ko. Dati wala namang prompter. Tapos ididikit ‘yun sa tabi ng camera. O pano ka magho-host tapos babasahin mo ‘yun. So dapat yung isang mata mo nakatingin sa camera, ‘yung isa nagbabasa,” aniya.

Read also

TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Gonzaga ay isang TV host, naging kilala si Toni sa pagiging bahagi ng mga sikat na programa tulad ng "Eat Bulaga!" at "Pinoy Big Brother." Isa rin siyang mahusay na host sa iba't ibang awards shows at events. Bukod sa hosting, siya rin ay nagtagumpay sa larangan ng pag-arte, kabilang ang mga pelikulang "Starting Over Again" at "My Amnesia Girl."

Tagos sa puso ang naging Father's Day post ni Joel Regal. Matatandaang si Joel ay ang panauhin ni Toni Gonzaga sa Toni Talks YouTube channel nito sa nasabing araw.

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang post ng isang rider na inakalang siya si Toni Gonzaga habang ang asawa naman niyang si Mikee Morada ay inakalang si James Yap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: