TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain

TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain

- Emosyonal na ibinahagi ni Kier Garcia ang mensaheng nais niyang ipaabot sa kanyang mga followers

- Minsan na umano niyang naranasan ito kaya ayaw niyang maranasan pa ng iba lalo ng mga taong malalapit sa kanya

- Dahil dito, labis ang pinagpapasalamat niya samga biyayang natatanggap

- Buong puso niya itong naibahahagi hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa kanyang mga kaibigan

Hindi naiwasang maging emosyonal ng TikTok star na si Kier Garcia na mas kilala bilang si Fhukerat nang matanong siya ni Toni Gonzaga tungkol sa mensaheng nais ipabatid niya sa mga supporters at followers niya.

TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain
TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

May kaugnayan pa rin ito sa madalas niyang mai-content at ito ay ang pagkain.

"Gusto ko silang 'wag maging madamot sa lahat ng bagay. Kasi naranasan ko dati na pinagdamutan ako," ani Kier.

Nausisa ni Toni ang tungkol dito, at doon kinumpirma ni Kier sa kamag-anak pa niya ito naranasan.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Parang kumakain sila ng masasarap tapos naiinggit ako. Tapos nakatingin lang kami ng ate ko. Tapos umuwi na lang kami."

Kaya naman ngayong siya ang tumatamasa na ngayon ng mga biyaya, sinisiguro niyang ibahagi ito lalong-lalo na kung ito ay pagkain.

"Sa lahat ng pamangkin ko, sa lahat 'pag pumunta sa bahay, may pagkain diyan, kuha kayo."
"Kasi ayaw kong maranasan niyo yung naranasan ko dati. Na pinagdadamutan ako"
"Ayaw na ayaw kong may nakikitang nagugutom."

Matatandaang, madalas na content ni Kier ay ang pagkain kung saan madalas pa niyang makasalo ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Mayroon pa siyang isang vlog kung saan nagawa niyang ilibre ng iced coffee ang kanyang mga kaklase.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga:

Isa ang Toni Tolks sa mga pinakaaabangang YouTube channel dahil sa mga makabuluhang interviews ni Toni Gonzaga- Soriano sa mga taong inspirasyon ang dala ng kanilang mga kwento.

Read also

BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko"

Isa na rito ang social media personality na si Diwata na minsan na rin umanong na-interview ni Toni. Doon naikwento ni Diwata na ang dati niyang nakaalitan ay isa na ngayong empleyado sa kanyang paresan. Bukod sa umano'y nagkaayos na sila, natulungan pa niya ito na magkaroon ng kabuhayan.

Gayundin ang panayam ni Toni sa ama ng triplets na naulila sa ina. Halos umpisa pa lang ng panayam ay napakuha na rin ng tissue si Toni na umapaw na rin ang emosyon sa mga naibabahagi ni Joel. Malaki ang pasasalamat ni Joel sa mga taong sumuporta at patuloy na tumutulong sa kanya. Na bagama't matindi ang kanyang pinagdaanan, marami ang nagpaabot ng pagmamalasakit sa kanya at higit sa lahat sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica