BINI, nag-ala Jabbawockeez kasunod ng 'feeling sikat' na komento sa kanila

BINI, nag-ala Jabbawockeez kasunod ng 'feeling sikat' na komento sa kanila

- Nagbigay ng savage clapback ang BINI sa isang influencer na pumuna sa kanila dahil sa pagsusuot ng maskara sa paliparan

- Nakasuot ng khaki hoodies at pantalon, tinakpan ng mga miyembro ang kanilang mga mukha ng maskarang kahawig ng suot ng Jabbawockeez

- Tinawag ng kanilang mga fans na BLOOMS ang kilos ng BINI bilang pinakamalupit na clapback sa kasaysayan ng P-pop

- Kamakailan lamang ay nag-perform ang BINI sa "Puregold’s Exciting Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving Concert" at "Samsung Galaxy AI Festival" events

Usap-usapang muli ang BINI dahil sa kanilang suot papunta sa kanilang concert sa General Santos City. Balot na blot sila sa kanilang suot na khaki hoodies at pantalon at maskara.

BINI, nag-ala Jabbawockeez kasunod ng 'feeling sikat' na komento sa kanila
BINI, nag-ala Jabbawockeez kasunod ng 'feeling sikat' na komento sa kanila
Source: Instagram

Hirit ng kanilang fans nagbigay ng isang matinding clapbackang grupo sa isang influencer na pumuna sa kanila dahil sa pagsusuot ng maskara pagdating sa paliparan, at kinumpara pa sila kay pop singer Sarah Geronimo.

Read also

RR Enriquez, nagkomento tungkol sa alegasyong 'feeling sikat' daw ang BINI

Sa kanilang pagpunta sa General Santos City para sa kanilang "BINIVerse" concert bukas, nakita ang P-pop group na naka-disguise ng buong katawan pagdating sa paliparan. Naka-khaki hoodies at pantalon, tinakpan din ng mga miyembro ng BINI ang kanilang mga mukha ng mga maskarang kahawig ng suot ng dance group na Jabbawockeez.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang BLOOMS (fandom ng BINI) ay naglabas ng suporta sa kanilang X accounts, na tinawag ang kilos ng BINI bilang "pinakamalupit na clapback sa kasaysayan ng P-pop."

Ang BINI ay isang kilalang P-pop girl group sa Pilipinas na binubuo ng walong miyembro. Sila ay kilala sa kanilang catchy at vibrant tracks at nagkamit ng titulo bilang "Nation’s girl group." Bukod sa kanilang mga performances at musika, hinahangaan din sila ng kanilang fans, na tinatawag na BLOOMS.

Tinalakay ni Xian Gaza ang mga miyembro ng girl group na BINI sa isang open letter. Ipinost niya ito sa kanyang Facebook account, at nakakuha ng atensyon. Gayundin, binigyang-diin ni Xian ang mga responsibilidad ng pagiging isang public figure at ang pangangailangang mag-adjust sa kanilang bagong katayuan.

Trending si Xian Gaza kasunod ng kanyang open letter para sa BINI kamakailan. Sa kanyang panibagong post, nagbigay siya ng paalala sa mga taong gustong mag-artista - Aniya, kung ayaw na pinagkakaguluhan ay huwag na mag-aartista .

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: