JM de Guzman, binati si Donnalyn Bartolome sa kaarawan nito

JM de Guzman, binati si Donnalyn Bartolome sa kaarawan nito

- Nagbigay ng sweet birthday message si JM de Guzman kay Donnalyn Bartolome sa kanyang social media.

- Sinabi ni JM na nais niyang maging inspirasyon si Donnalyn sa iba at sa kanya rin

- Kamakailan lang, ipinaalam ni Donnalyn na boyfriend na niya si JM matapos sa matagal na panunuyo nito

- Ibinahagi ni JM na mahalaga si Donna sa kanya at deserve niya ang maraming biyaya sa buhay

Sa isang post, ibinahagi ni JM de Guzman ang kanyang pagbati kay Donnalyn Bartolome sa kanyang kaarawan. Inihayag ni JM ang kanyang pagmamahal sa girlfriend na tinawag niyang 'mahal ko.'

JM de Guzman, binati si Donnalyn Bartolome sa kaarawan nito
JM de Guzman, binati si Donnalyn Bartolome sa kaarawan nito
Source: Instagram

Aniya, sana ay ipagpatuloy ni Donnalyn ang pagiging ispirasyon sa maraming tao at pati na rin sa kanya.

"Happy birthday mahal ko. Naway ipagpatuloy mo ang pagiging inspirasyon sa iba at sa akin na rin.

Pinasalamatan niya ito sa pagmamahal. Hiling ni JM na mas mabiyayaan pa si Donna dahil aniya ay deserve niya iyon.

Read also

Lucas, may madamdaming nasabi sa engagement ng kanyang Mommy Zeinab at Daddy Ray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming salamat sa pagiging ikaw sapagmamahal. Marami ka pang dapat na matanggap na biyaya dahil deserve mo 'yun. Mahal kita happy birthday @donna."

Marami ang nagpahayag ng kanilang kaligayahan para sa dalawa.

Kamakailan lang, inamin ni Donnalyn na si JM ang kanyang boyfriend matapos ang matagal na panunuyo ng aktor sa kanya.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate