Erin Diaz, binahagi ang 'Boyfriend for a day" vlog kasama si Bimby

Erin Diaz, binahagi ang 'Boyfriend for a day" vlog kasama si Bimby

- Binahagi ni Erin Diaz ang video ng pamamasyal niya habang nasa California siya

- Sinamahan siya ni Bimby sa pamamasyal at sa paggawa ng content na 'Boyfriend for a day"

- Kahit mas bata siya kay Erin ay hindi inatrasan ni Bimby ang hamon para umaastang boyfriend ng kanyang ate Erin

- Matatandaang kamakailan ay inilabas ng ama ni Erin na si Ogie Diaz ang panayam niya sa mag-inang Kris Aquiono at Bimby sa kanilang pagpunta sa California

Binahagi ni Erin Diaz ang isang video ng kanilang pamamasyal habang nasa California siya. Kasama niya si Bimby sa kanilang adventure at sa paggawa ng content na 'Boyfriend for a Day.' Marami ang kinilig sa kanilang dalawa habang pinapanood ang video.

Erin Diaz, binahagi ang 'Boyfriend for a day" vlog kasama si Bimby
Erin Diaz, binahagi ang 'Boyfriend for a day" vlog kasama si Bimby
Source: Youtube

Kahit mas bata siya kay Erin, hindi inatrasan ni Bimby ang hamon na magpanggap na boyfriend ng kanyang ate Erin. Ipinakita nila ang kanilang masayang bonding at mga aktibidad sa buong video. Sinamahan ni Bimby si Erin sa iba't ibang lugar, at kitang-kita ang kanilang kasiyahan.

Read also

Ex-cop, kasama sa pitong persons of interest sa pagkawala ng magkasintahan sa Tarlac

Maraming netizens ang nagkomento ng kanilang pagkatuwa sa video.

"Ang cute ni Bimby. He is so kind and handsome. Bagay kayo ni Erin," ayon sa isang komento.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May mga nag-request din ng part 2 pag-uwi ni Bimby sa Pilipinas. "Pwede pag uwi niya sa Pinas may part 2. Date naman kayo sa turo-turo at pumasyal sa Luneta at mag-shopping sa mall para makita ang other side ni Bimb," sabi ng isa pang netizen.

Matatandaang kamakailan ay inilabas ng ama ni Erin na si Ogie Diaz ang panayam niya sa mag-inang Kris Aquino at Bimby.

Si Bimby Aquino, na kilala rin bilang James Carlos "Bimby" Aquino Yap Jr., ay anak nina Kris Aquino, isang kilalang personalidad sa showbiz at media sa Pilipinas, at James Yap, isang sikat na basketball player. Ipinanganak si Bimby noong Abril 19, 2007.

Read also

Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng 'unli haynako' convo nila ni Ellie

Ibinahagi ni Bimby Aquino sa isang panayam sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na may bagong boyfriend ang kanyang ina na si Kris Aquino. Inilarawan niya ang boyfriend ni Kris bilang "makulit" pero mabait at hindi taga-showbiz.

Bumista si Bimby kay Yolanda 'Yolly' Yebes, ang matagal nang kasambahay ng kanyang tiyuhing si Noynoy Aquino. Sa kanyang post, nagpasalamat si Yolanda kay Bimby sa pagbisita sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel