ToRo family, nasaksihan ang panganganak ni Papi Galang

ToRo family, nasaksihan ang panganganak ni Papi Galang

- Si Papi Galang ay nagsilang ng kanyang pangatlong anak sa pamamagitan ng water birth na naganap sa bahay ni Toni Fowler, kasama ang buong ToRo Family

- Ang buong ToRo Family ay naroon at tumulong sa paghahanda at paglilinis para sa water birth, kasama sina Anthony Leodones at Jamie Bautista

- Isinapubliko nila ang kasarian ng sanggol, isang babae, sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatang "Motherhood" sa YouTube channel ni Toni

- Ipinahayag ni Toni Fowler ang kanyang paghanga at kasiyahan sa pangyayari, lalo na't ito na ang pangalawang beses na nasaksihan niyang manganak si Papi

Si Papi Galang, ay nagsilang ng kanyang pangatlong anak sa pamamagitan ng water birth sa bahay ni Toni Fowler, kasama ang buong ToRo family.

ToRo family, nasaksihan ang panganganak ni Papi Galang
ToRo family, nasaksihan ang panganganak ni Papi Galang
Source: Youtube

Sa vlog na pinamagatang "Motherhood" sa YouTube channel ni Toni, isiniwalat na hindi na nakapaghintay si Papi na makarating sa ospital. Nang dumating ang doktor, ang baby ay crowning na at si Papi ay fully dilated na.

Read also

BINI Colet, nakatanggap ng bagong blessing mula sa kanyang bayang sinilangan

Sa kabutihang palad, malapit lang ang kanyang OB-GYN at doula. Ang ToRo Family, kasama ang vloggers na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista na nagkataong naroroon, ang naghanda ng pool at naglinis ng sahig para sa water birth.

Nakita ng buong ToRo Family at ng camera crew ang pagsilang, na nais nilang ibahagi sa kanilang mga fans. Isinapubliko rin ang kasarian ng baby, isang babae.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa parehong vlog, ipinahayag ni Toni ang kanyang paghanga kay Papi, na ito na ang pangalawang beses na nasaksihan niyang magsilang si Papi.

Inilarawan pa ni Fowler ang pangyayari bilang isang "magical" na okasyon, kung saan naroroon ang buong ToRo Family at kanilang mga kaibigan.

Si Toni, na buntis din, ay nagbahagi ng kanyang kasiyahan sa Instagram na may caption, "MAHAL KITA BABY HABI nasa tyan kapalang ng nanay mo bias na kitang bebe ka."

Read also

BINI Colet, viral nang ikuwento ang tungkol sa 'poster' ni Nadine na nais bilhin noon

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng ToRo family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukan kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari.

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakialaman lahat ng desisyon niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel