Dennis Padilla, napuri kung paano mag-isip si Daniel Padilla

Dennis Padilla, napuri kung paano mag-isip si Daniel Padilla

- Napuri ni Dennis Padilla ang husay ni Daniel Padilla pagdating sa trabaho

- Napuri niya kung paano ito mag-isip para mas lalong mapaganda ang kanilang eksena

- Naihalintulad din umano niya ito sa anak na si Julia Barretto

- Sa naturang panayam kay Dennis, nilinaw din niya ang koneksyon sa iba pang mga Padilla sa showbiz tulad nina Robin at Daniel

Hayagang napuri ni Dennis Padilla ang aktor na si Daniel Padilla na minsan niyang nakasama sa seryeng 'The House Arrest of Us.'

Dennis Padilla, napuri kung paano mag-isip si Daniel Padilla
Dennis Padilla, napuri kung paano mag-isip si Daniel Padilla (Daniel Padilla FB)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Maricel Soriano, nausisa si Dennis kung kumustang katrabaho ang ilang artista at isa na nga rito si Daniel Padilla.

"Parang anak-anakan ko 'yan. Nakasama ko 'yan sa lock in sa 'The House arrest of us.' Si DJ kasi bata pa lang kilala ko na because of Romel. Ganun parang anak. 'Pag nakikita ko si Daniel, parang nakita ko si Julia. Anak ang trato at magaling na artista, matured! Pati mag-isip."

Read also

Kris Aquino, uuwi ng Pilipinas matapos ang umano'y kinatatakutang gamutan

Hanga umano siya sa kung paano nagagawa ni Daniel na mas pagibayuhin pa ang bawat eksena para lamang mapaganda ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Pag may eksena siya, nag-iisip siya. Iniisip niya, bina-validate niya pa. Talino nitong batang 'to. Matured 'yung thinking"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Maricel Soriano YouTube:

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Read also

Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig'

Gayunpaman, ngayong 2024 masayang naibahagi ni Dennis ang mensaheng natanggap niya mula sa anak na si Julia. Dahil sa pangyayaring ito, inilarawan ni Cristy Fermin bilang pinakamasayang ama si Dennis ng mga panahong iyon. Tila hindi pa raw umano ito makapaniwalang nagpadala na sa kanya ng mensahe ang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel