Deniece Cornejo, nilipat sa Maximum Security Camp sa Correctional Institution for Women

Deniece Cornejo, nilipat sa Maximum Security Camp sa Correctional Institution for Women

- Inilipat sa Maximum Security Camp ng CIW sa Mandaluyong ngayong araw si Denice Cornejo

- Nahatulan siya ng Taguig court ng serious illegal detention for ransom laban kay Vhong Navarro at sinentensiyahan ng reclusion perpetua

- Nanatili si Cornejo ng 56 araw sa RDC bago ilipat sa maximum security

- Ang CIW Maximum Security Camp ay naglalaman ng mga high profile na persons deprived of liberty (PDLs)

Inilipat si model Denice Cornejo sa Maximum Security Camp sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong ngayong araw, Hunyo 27.

Deniece Cornejo, nilipat sa Maximum Security Camp sa Correctional Institution for Women
Deniece Cornejo, nilipat sa Maximum Security Camp sa Correctional Institution for Women
Source: Facebook

Dinala siya sa CIW noong Mayo 2 matapos siyang mahatulan ng hukuman sa Taguig ng seryosong illegal detention for ransom laban sa TV host at komedyanteng si Ferdinand “Vhong” Navarro.

Base sa mga patakaran, sa kanyang pagdating sa CIW, nanatili si Cornejo sa Reception and Diagnostic Center (RDC) kung saan lahat ng bagong dating na preso ay nananatili ng hanggang 60 araw kasama na ang limang araw na quarantine.

Read also

Mayor Alice Guo, inilista si 'Wen Yi Lin' sa bank accounts ayon sa AMLC

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gumugol si Cornejo ng 56 araw sa RDC bago siya inilipat sa CIW Maximum Security Camp.

Noong Mayo 2, hinatulan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 sina Cornejo, Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero ng salang serious illegal detention for ransom laban kay Navarro at sinentensiyahan sila ng reclusion perpetua.

Matapos ilabas ng hukuman sa Taguig ang desisyon, inilipat si Cornejo sa CIW upang simulan ang kanyang sentensya.

Ang CIW Maximum Security Camp ay naglalaman ng mga high profile na persons deprived of liberty (PDLs).

Sa ilalim ng operating manual ng BuCor, ang mga maximum security PDLs ay yaong mga itinuturing na lubos na mapanganib o may mataas na risk sa seguridad. Kabilang dito ang mga may minimum na sentensyang 20 taon pataas, at iba pang mga salik.

Read also

Arestadong data security officer, umamin sa pangha-hack sa Belo Medical Group database

Batay sa kanilang mga sentensya sa kulungan, sina Raz, Lee, at Guerrero ay inaasahan ding ililipat sa Maximum Security Camp ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa mula sa NBP RDC.

Si Deniece Cornejo ay isang Filipino model at personality na naging kilala sa publiko matapos siyang masangkot sa isang kontrobersyal na kaso ng serious illegal detention for ransom laban sa TV host at komedyanteng si Vhong Navarro.

Matatandaang nagbigay ng pahayag ang negosyanteng si Cedric Lee matapos niyang sumuko sa NBI. Nahatulan siya at ilan pang kasamahan na guilty sa serious illegal detention case sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.

Matapos sumuko ni Cedric Lee sa National Bureau of Investigation ay tumaas umano ang blood pressure nito . Sa isang video na binahagi ng ABS-CBN News, makikitang sinusuri ang presyon ng dugo nito habang nasa NBI.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot:
Online view pixel