Melai Cantiveros, napagalitan daw ng Korean sa AAA Awards

Melai Cantiveros, napagalitan daw ng Korean sa AAA Awards

- Nabahagi ni Melai Cantiveros ang kanyang karanasan sa pagdalo niya sa Asia Artist Awards

- Aniya, hindi niya alam na magkakaroon siya ng award sa pagdalo niya dito kaya nagtaka siya kung bakit kailangan niya magsuot ng gown

- Lilipat na daw sana siya sa upuan para sa mga audience sa gilid pero pinigilan daw siya

- Hindi man daw niya naintindihan pero tinalakan daw siya ng isa sa Korean na naroroon sa event

Nabahagi ni Melai Cantiveros ang kanyang karanasan sa pagdalo niya sa Asia Artist Awards kamakailan. Aniya, hindi niya alam na magkakaroon siya ng award sa pagdalo niya dito kaya nagtaka siya kung bakit kailangan niya magsuot ng gown.

Melai Cantiveros, napagalitan daw ng Korean sa AAA Awards
Melai Cantiveros, napagalitan daw ng Korean sa AAA Awards
Source: Youtube

Lilipat na daw sana siya sa upuan para sa mga audience sa gilid pero pinigilan daw siya. Hindi man daw niya naintindihan ang dahilan, tinalakan daw siya ng isa sa mga Korean na naroroon sa event.

Read also

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

Ayon kay Melai, nagulat siya sa nangyari at hindi niya inasahan ang ganitong karanasan sa isang prestihiyosong okasyon. Ngunit sa kabila ng lahat, masaya pa rin siya na maging bahagi ng event at naipagmalaki ang talento ng mga Pilipino.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel