Melai Cantiveros, hindi tinanggap ang alok na retoke ni Vicki Belo

Melai Cantiveros, hindi tinanggap ang alok na retoke ni Vicki Belo

- Tinanggihan daw ni Melai Cantiveros ang alok ni Dra. Vicki Belo na ipa-enhance ang kanyang mukha

- Sa isang panayam, ipinahayag ni Melai ang kanyang takot sa mga injections at iba pang invasive procedures

- Mas pinipili ni Melai ang mga facial treatments para sa kanyang mga problema sa balat tulad ng pimples

- Sinabi ni Melai na kuntento na siya sa kanyang natural na hitsura at hindi na niya kailangang magpa-enhance ng kanyang mukha

Ibinunyag ng komedyante at host na si Melai Cantiveros ang tunay na dahilan kung bakit tinanggihan niya ang alok ni Dra. Vicki Belo na ipa-enhance ang kanyang mukha.

Melai Cantiveros, hindi tinanggap ang alok na retoke ni Vicki Belo
Melai Cantiveros, hindi tinanggap ang alok na retoke ni Vicki Belo
Source: Instagram

Pagdating sa plastic surgeries, ang Belo Medical Group ay isa sa mga nangungunang establisyemento na gumagawa nito. Pinamumunuan ni Dra. Vicki Belo, marami sa kanyang mga kliyente ay mga celebrity at minsan na rin niyang inalok si Melai na ipa-enhance ang kanyang mukha.

Read also

Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

Ani Melai, inalok ni Belo na ipaayos ang kanyang ilong ngunit may takot si Melai sa mga injections at iba pang invasive procedures na kinakailangan para dito, kaya't tinanggihan niya ito. Biro pa niya, “Pinakatakot ko baka hindi ako makahinga.”

Sa seryosong usapan, sinabi ni Melai na siya’y kuntento na sa kanyang itsura mula pa noong bata siya. Hindi siya mahilig sa ganitong uri ng surgeries ngunit nagpapagawa siya ng mga facial treatments para sa kanyang mga problema sa balat tulad ng pimples, ayon sa panayam.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel