Ogie Diaz, sinagot ang tanong ng netizens ukol kay Bea Alonzo

Ogie Diaz, sinagot ang tanong ng netizens ukol kay Bea Alonzo

- Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi umano siya galit kay Bea Alonzo

- Ito ay matapos umano siyang mausisa ng ilang netizens tungkol sa naramdaman matapos siyang mademenda ng aktres

- Alam din umano ni Ogie na nararamdaman ng iba sa pagbabalita pa nila ukol kay Bea

- Sakali mang may magandang nangyari sa aktres, handa pa rin naman daw silang ibahagi ito

Sa pamamagitan ng isang socmed post, sinagot ni Ogie Diaz ang ilan sa mga madalas umanong maitanong sa kanya ng netizens.

Ogie Diaz, naglabas ng saloobin ukol kay Be Alonzo
Ogie Diaz, naglabas ng saloobin ukol kay Be Alonzo (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Isa na rito ang patungkol sa kanya umanong saloobin sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng aktres na si Bea Alonzo.

"Mama Ogs, galit ka po ba kay Bea Alonzo? Dinemanda na po kayo, pero parang lagi nyo pa rin siyang laman ng vlog n’yo?" tanong umano kay Ogie.

“Hindi ako galit kay Bea. Kahit nung nagdemanda siya, hindi ako nagalit sa kanya. Alam ko namang hindi naman kami nanira ng reputasyon, tuloy pa din," sagot ni Ogie.

Read also

Anak ni Dagul, may nilinaw sa umano'y 'di pagbalik ng ama sa Goin' Bulilit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Andami na ngang nagagalit sa amin, bakit daw ibinabalita pa namin si Bea. Pasensiya na po, trabaho lang, walang personalan," giit pa niya.

Gayunpaman, kanya ring nilinaw na handa pa rin silang ibahagi ang mga kaganapan sa buhay ni Bea lalo na kung ito ay magandang balita ukol sa aktres.

"Basta pag me good news about her, willing din kaming ibalita"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Gayunpaman, hindi pa rin natuloy ang kasalang Bea at Dominic matapos nilang ihayag sa publiko na hindi na ito magaganap. Walang binigay na partikular na rason ang dalawa ukol dito. Kamakailan, binigyang diin ni Bea na single siya ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica