Anak ni Dagul, may nilinaw sa umano'y 'di pagbalik ng ama sa Goin' Bulilit

Anak ni Dagul, may nilinaw sa umano'y 'di pagbalik ng ama sa Goin' Bulilit

- Naglabas na ng saloobin ang anak ni Dagul ukol sa hindi pagbalik sa Goin' Bulilit ng kanyang ama

- Matatandaang ilang taon ding naging bahagi ng naturang programa si Dagul

- Ayon kay Jkhriez, anak ni Dagul nakakaramdam siya ng lungkot

- Subalit ito ay dahil sa mga isyu at espekulasyon ng publiko sa hindi pagbabalik ni Dagul sa programa

Inalmahan na ni Jkhriez Pastrana, ang anak ng dating komedyanteng si Dagul ang mga naglalabasang isyu umano sa hindi pagbabalik ng ama sa programang Goin' Bulilit.

Anak ni Dagul, may nilinaw sa umano'y 'di pagbalik ng ama sa Goin' Bulilit
Anak ni Dagul, may nilinaw sa umano'y 'di pagbalik ng ama sa Goin' Bulilit (Jkhriez Pastrana)
Source: Facebook

Matatandaang ilang taon itong naging bahagi ng naturang programa kaya naman marami ang nagtaka na hindi na ito nakabalik at ang tila kapalit nito ay si 'Baby Giant.'

Sa isang TikTok video na ginawa ni Jkhriez, sinabi nito ang nararamdaman maging ng kanilang pamilya sa nangyari.

"Gusto ko lang i-clear sa inyo, na hindi ako malungkot dahil wala si Papa sa Goin' Bulilit. Nalulungkot lang ako sa mga issue na lumalabas. And okay lang sa akin na wala si Papa sa Goin' Bulilit. Okay lang sa amin guys kasi choice nila 'yun," paglilinaw ni Jkhriez.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I'm so happy din sa bago pero nalulungkot ako guys sa mga issue na nangyayari. Ayoko kasi ng issue guys. Mas gusto ko lang na clear tayong lahat and good vibes."

Narito ang kabuuan ng naturang video na ibinahagi rin ng TikTok user na si @xyiacea

Samantala, mas lalo itong binigyang linaw ni Jkhriez sa isa sa kanyang mga Facebook post:

Si Romy Pastrana ay mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Na-discover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.

Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

Matatandaang sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, emosyonal na sinalaysay ni Dagul Pastrana ang kanyang kalagayan matapos ang pagtigil niya sa Goin' Bulilit. Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarap sa buhay. Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12. Ang anak niyang si Jkhriez Pastrana ay may kondisyon na kagaya sa kanyang ama kaya ito umano ang iniisip ni Dagul dahil sa maaring kakaharapin nitong hirap sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica