Donnalyn Bartolome, naghayag ng mensahe para kina Cong at Viy

Donnalyn Bartolome, naghayag ng mensahe para kina Cong at Viy

- Ipinaabot ni Donnalyn Bartolome ang kanyang kasiyahan at paghanga para kina Cong at Viy matapos ang kanilang kasal noong Hunyo 17, 2024

- Isa siya sa mga saksi sa kanilang mga pangako sa isa't isa at ipinagdiwang ang kanilang wagas na pagmamahalan

- Pinuri ni Donnalyn si Cong sa kanyang pagiging tapat na asawa at sa kanyang pagmamahal kay Viy sa kabila ng mga hamon

- Nagpasalamat siya sa mag-asawa sa pagkakataon na makasaksi ng tunay na pag-ibig, na nagdulot ng inspirasyon sa kanya at sa iba pa

Sa isang post, ipinaabot ni Donnalyn Bartolome ang kanyang kasiyahan at paghanga para kina Cong at Viy matapos ang kanilang kasal kamakailan.

Donnalyn Bartolome, naghayag ng mensahe para kina Cong at Viy
Donnalyn Bartolome, naghayag ng mensahe para kina Cong at Viy
Source: Instagram

Ayon kay Donnalyn, naging saksi siya sa pangako nina Cong at Viy sa isa't isa sa harap ng Diyos.

We celebrated their pure love giving us all hope for true happiness.

Read also

EXpecially For You searcher, gumawa ng history sa It's Showtime dahil sa kanyang pinili

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binati rin niya si Cong sa kanyang pagpapahalaga kay Viy.

Thank you kuya @thecongtv for the man that you are! For pursuing and honoring Ate Viy even after claiming her heart.

Bukod dito, pinuri rin niya si Viy na aniya ay best partner para kay Cong.

You are admirable Ate @viycortez for the woman that you are to your man.. you’re the best partner Kuya Cong could ever have!

Nagpapasalamat din si Donnalyn sa mag-asawa para sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makasaksi ng tunay na pagmamahal.

Thank you both for the blessing you’ve given me of witnessing real love!!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel