Kuya Kim, natanong kaugnay sa patapos nang kontrata ng It's Showtime sa GMA

Kuya Kim, natanong kaugnay sa patapos nang kontrata ng It's Showtime sa GMA

- Nagsalita si Kuya Kim Atienza tungkol sa isyu ng pagtatapos ng kontrata ng "It's Showtime" sa GMA 7

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sinabi niyang may negosasyon pa sa pagitan ng "It's Showtime" at GMA Network tungkol sa renewal ng programa

Kinumpirma rin ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na nasa proseso pa ng pag-uusap ang dalawang panig

Idinagdag ni Kuya Kim na handa ang kanilang programa na "TiktoClock" kung ipag-utos ng management na ito ang ipalit sa timeslot ng "It's Showtime"

Sa gitna ng mga haka-hakang magtatapos na ang kontrata ng noontime show na “It’s Showtime” sa GMA 7, nagsalita na ang Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza.

Kuya Kim, natanong kaugnay sa patapos nang kontrata ng It's Showtime sa GMA
Kuya Kim, natanong kaugnay sa patapos nang kontrata ng It's Showtime sa GMA
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang press conference para sa kanyang bagong programa sa GMA, ang “Dami Mong Alam, Kuya Kim”, na napapanood tuwing Sabado ng umaga, diretsahang tinanong si Kuya Kim tungkol sa posibilidad na ang kanilang programa na “TiktoClock” ang pumalit sa timeslot ng “It’s Showtime”.

Read also

Maris Racal, nanatiling Belo Baby; suportado pa rin ng Belo Medical Group

“Ang alam ko ay may nangyayaring negotiation ngayon ang It’s Showtime at GMA. ‘Yun lang ang alam ko sa ngayon,” pahayag ni Kuya Kim.

Sa parehong pagkakataon, kinumpirma rin ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na nasa proseso pa ang network sa pakikipag-usap tungkol sa renewal ng kontrata ng programa. “We are in the process of negotiations now for the renewal of ‘Showtime,’” ayon kay Gozon-Valdes.

Ayon pa kay Kuya Kim, kung sakaling magdesisyon ang management na ang “TiktoClock” ang ipalit sa noontime slot, nakahanda silang sumunod. “Mga sundalo kami na kailangang maging handa sa anumang laban,” ani pa niya.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon sa tunay na estado ng “It’s Showtime” sa GMA 7, nananatiling abala ang mga host nito, kabilang sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu, at Anne Curtis, sa patuloy na pagpapasaya sa kanilang mga manonood.

Samantala, patuloy din ang pag-arangkada ng karera ni Kuya Kim bilang Kapuso host sa kanyang bagong programa na naglalayong maghatid ng kaalaman at kasiyahan tuwing weekend.

Read also

Davao Conyo, sinupalpal ang netizen na humiling ng content tungkol kay Maris Racal

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay dating napanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Matatandaang nagkataong nasa Itaewon, South Korea si Kuya Kim nang maganap ang stampede. Naibalita niya ang tungkol sa pangyayari at napakita niya ang naging bakas ng trahedya. 151 ang nasawi sa trahedya at karamihan sa mga ito ay nasa edad 20 pababa. Kabilang sa mga ito ay 17 na banyaga. Bunsod ng trahedya, dineklarang national day of mourning sa South Korea ang October 30.

Kabilang si Kuya Kim sa mga pinasalamatan ni Vice Ganda nang magbigay ito ng pahayag sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng It's Showtime. Sa kanyang pahayag ay pinasalamatan ni Vice ang mga taong unang nagtaguyod ng show na kinabilangan ng mga direktor at dating mga host na kanilang nakatampuhan. Matatandaang naging usap-usapan ang paglipat ng ilan sa mga hosts at direktor ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate